Matapos ang kasal. Hindi muna ako nakipagkita kay Uno. May tatlong araw nalang kasi akong para makasama si Lawrence. Nakakalungkot pero kailangan tanggapin. Kaya heto, nasa playground kami at nagpipicnic kasama ang ilang bata.
"Gusto mo pang orange?" Pinakita ko sa kanya ang mga hiniwa kong prutas.
"Opo." Aniya.
Inabot ko ang hiniwang orange. Inabutan ko rin ang ibang batang lumapit sa akin.
"Hindi paba kayo naiinitan? Ilang oras na kayong naglalaro." Sabi ko habang nag-aabot ng makakain nila.
Ang ibang bata ay galing sa init ay lumapit sa akin at umupo sa mat.
"Ayan. Amoy araw na kayo." Gamit ang towel ay tinuyo ko ang pawis ni Aaron. Isa sa mga bata sa orphanage.
"Uhaw po ako, Mama Lili." Si Hannah. Kasing edad lang ito ni Lawrence.
Ngumiti ako at inabot ang water jug. Kinuhanan ko siya ng tubig pati na rin ang ilang bata.
"Basang basa kayo ng pawis. Pasok na tayo para makapagbihis kayo." Sabi ko at pinagpag ang pang-upo.
Natutuwa ako. Hindi lang si Lawrence ang nakabonding ko kundi ang lahat ng bata sa orphanage. Hindi man halata sa iba ay napalapit ako sa kanila. Kaya nga hindi lang iisa ang anak ko. Pero pagdating kay Lawrence ay iba. Siguro dahil sa akin siya lumaki noong baby pa siya. Sa kanya ko nadama ang isang pagiging ina sa murang edad.
Masigla namang sumunod ang mga bata at tinulugan ako sa mga ginamit namin para sa picnic. Hawak ko sa kamay si Hannah at Eijay. Si Lawrence naman ay hawak si Aaron at iba pang bata. Napangiti ako.
Nang makapasok ay nagsitakbuhan na ang mga bata at nag-unahan sa pagpasok sa loob ng kwarto ng mga ito. Nagkakagulo sila.
Tumatawang pumasok ako sa loob ng kusina at nilagay roon ang mga pinag-gamitan. Naabutan ko na naroon si Mother Minda at ang kusinera.
"Ang bango naman po." Puri ko dahil sa naamoy na menudo.
"Oo naman. Specialty yata iyan ni Esme." Pagmamalaki ni Mother Minda. Nag-lilinis ito ng lamesa.
Tumawa ang kusinera at nilagyan ng patatas ang niluluto.
"Ako pa. The best kaya akong magluto." Pabirong sabi ni Manang Esme.
Natawa ako sa sinabi nito. Magaling talaga itong magluto kahit hindi purihin. Nang makita kong puno na ang plastic ng basura ay kinuha ko iyon.
"Ay! 'Wag mo ng gawin iyan. Ako na d'yan." Pigil ni Mother Minda. Tinapik pa niya ang kamay ko pero hindi ko binitiwan ang bag ng basura.
Binuhol ko ang plastic at ngumiti sa Madre. "Ayos lang po. Kaya ko naman."
Hindi na ako napigilan ng Madre hanggang makalabas. Tuloy sa labas ng gate at tumawid sa kabilang kalye para doon ilagay ang basura. May kukuha kasi ng mga ito doon. Baka mamayang gabi o madaling araw.
Nang maitapon ko iyon ay pabalik na sana ako nang tumunog ang aking phone. Huminto muna ako sa side walk at sumilong sa malaking halaman. May kainitan kahit maalinsangan ang panahon.
Napangiti ako nang makitang si Uno iyon.
"Hello?"
"Hi." Sagot nito. Bakas sa kanyang boses ang pagod. Medyo nag-alala ako roon.
Pumapasok na kasi ito muli sa opisina. Wala naman itong magawa dahil ito ang Boss ng kompanya at hindi siya pwedeng mawala ng matagal. Natambakan tuloy siya ng trabaho.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...