Ilang linggo na ang nakakaraan simula nang hindi kami magpansinan ni Ate Sandra. Pinupuntahan ko naman siya pero pagdadala lang ng pagkain ang ginagawa ko.
Hindi ko alam pero kapag ganoon ang tagpo namin ay hindi siya makatingin sa akin. Tahimik lang siyang hanggang sa makaalis ako. Minsan rin naman, naabutan ko siyang parang magbubukas ng usapan pero hindi natutuloy.
Siguro katulad ko, sinusubukan rin niyang magkaayos kami.
Pero iba ang araw na iyon. Nang pagdalhan ko siya ng pagkain, bago pa man ako makaalis ng kwarto ay tinawag niya ako.
"Lili..."
Nilingon ko siya. Nasa pinto na ako. Handa ng lumabas dahil naiilang na rin.
"S-Sorry..." mahinhin niyang sambit at yumuko.
Bakit siya nagsosorry? Ako nga ang dapat humingi ng sorry sa aming dalawa.
Sa mga nagdaang linggong hindi namin pag-uusap, naliwanagan rin ako.
Noong ako ang nasa kalagayan niya dati ay ganoon rin naman ang naramdaman ko. Galit at pagkamuhi sa mga tao sa pabrika.
At nagiguilty ako dahil nagalit ako sa kanya. LumapitLumapit ako sa kanya.
Huminga ako, "Sorry rin, Ate..."
Nginitian niya ako at nagulat ng bigla niya akong niyakap. Hindi agad ako nakagalaw.
Sa isip ko, ganoon pala ang yakap?
Nakakagaan ng loob ang pagyakap. At aaminin kong, noon lang ako nakaranas ngyakap. Wala sa sariling niyakap ko siya pabalik.
"I promise. I will listen first from now on!" kumalas siya ng yakap at nagpahid ng kung ano sa mata.
Natawa ako. Umiiyak siya. At ang makitang umiiyak siya ay nagpasakit ng dibdib ko. Naninip at parang nauubusan ako ng hininga. Pinigilan ko ang maiyak at dinaan nalang iyon sa tawa.
"Para ka ng kamatis sa pula ng mukha mo!" asar ko.
Sumimangot siya at hinampas ako pabiro sa braso. Tinawanan ko pa siya lalo.
"Hmp!"
Simula ng magkaayos kami ay naging magaan ang mga nagdaang araw. Sa ilang linggong nagkatampuhan kami, mabigat ang dibdib ko.
Ganun pala kapag naattach kana sa isang tao. Dadamdamin mo ang lahat hanggang sa bumigat ang pakiramdam mo. At hindi ko gusto ang ganoong pakiramdam.
Pero sa mga lumilipas pang mga araw, linggo at buwan, palagi kong nahuhuli si Ate Sandra na malungkot kapag pinupuntahan ko siya sa kwarto. Inilalabas ko nalang siya ng kwarto para makalanghap ng sariwang hangin at dinadaldal para mabago ang mood niya.
"Tapos nung hindi ako pumayag na magpaligaw, sinabihan akong pakipot at hindi maganda!" kwento ko.
Napatingin siya sa akin.
"Ha?! Ang ganda mo kaya!" Gulat niyang sabi. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang ganda pa ng hubog ng katawan mo."
Tumango tango ako, "kaya nga sinampal ko, e!"
Tumawa siya sa sinabi ko. Ang makitang may pinapakita na siyang ibang emosyon, nakakatuwa. Pero alam ko namang sa likod ng emosyon niya, nagtatago ang lungkot na nararamdaman niya.
"You should have slap him hard! Hindi maganda iyong sinabi niya. 'Tsaka, lahat ng tao, maganda, dipende nalang sa tumitingin." Dagdag niya.
May point siya. Walang Siyang nilikhang hindi maganda.
"Kaya ikaw, be thankful to what you have. Someday, lahat ng gusto mo na hindi mo hiniling, darating iyon na kusa." Ngumiti siya at tumingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...