Before twelve nasa opisana na ako bitbit ang biniling lunch para sa amin. Nakakahiya nga dahil hindi niya ako sinisingil sa kinakain ko. Siguro dapat na ulit akong magbaon at ipaalam sa kanya.
Naabutan ko siyang nakatalungko sa table niya. Hindi ako binigyan ng atensyon.
Naupo nalang ako sa couch at hinanda ang lunch. Noong hindi ako pinansin ay nagsalita na ako.
“Nandito na po ang lunch mo,” medyo nilakasan ko ang boses.
Natauhan yata siya kaya mabilis na binitawan ang mga papel at agad na lumapit sa akin. Pumwesto siya sa harap ko. Medyo nakakailang dahil makikita ko ang bawat galaw niya, makikita rin niya ang akin.
“Let’s eat.” mababang aniya.
“O-Okay…”
Nilabas ko mula sa lalagyan ang mga binili ko. Sa isang Filipino cuisine ako bumili para sa araw na ito.
“Anong binili mo?” tanong niya. Pinapanuod ang paggalaw ko.
“Uhm, Filipino food naman ngayon.” Sabi ko sabay lahad ng pagkain sa kanya.
Pinasadahan niya iyon ng tingin. Tumango at kinuha ang tinidor. “Hmm… really?”
Tumango ako. Hindi ba niya alam ang Filipino food? Ano bang kinakain niya sa kanila? Mga mamahalin at foreign food? Lihim akong napailing. Mga mayaman nga naman.
“Namiss ko ang ganito.” Biglang sabi niya.
Bumigat ang pisngi ko dahil mali ang naisip kani kanina lang.
“Talaga? Pwede kitang ipagluto ng ganyan!” biglang sabi ko na ikinatigil ko rin.
May sumibol na maliit na ngiti sa kanyang labi. Napaiwas ako ng tingin.
Anong sabi ko? Ipagluluto ko siya? Sinabi ko tagala iyon? Napakagat ako sa labi. Hindi na ako nakakapag-isip ng mabuti.
“Ipagluluto… mo ako?” ang kaninang maliit lang ay naging malaking ngisi sa harap ko.
Kinuha ko ang kutsara’t tinidor para magsimula ng kumain.
“Uhm, pwede naman.” Mahinang sabi ko.
“Marunong kang magluto?” tila pulis na tanong niya.
Alangan akong sumagot. Hindi naman ako ganoon kahusay sa kusina. May konti naman akong alam.
“Medyo pero pwede na... para sa akin.” Hininaan ko ang huling sinabi.
Tumango siya. “Okay. Luto mo ang lunch natin bukas.”
“Sigurado ka?” gulat kong tanong na may halong galak.
Kung bukas kasi agad, dapat mag-isip na ako ng putahe ngayon palang! Dapat mamalengke agad ako mamaya. Maraming gagawin.
Ang galak na naramdaman ay biglang naglaho. Bakit ako nakakaramdam ng ganoon?
“Yeah. Siguradong masarap iyon.” Seryosong sabi niya. Tinignan niya ako na parang natikman na talaga niya ang luto noon pa man.
“Sasarapan ko,” nahihiyang sabi ko.
Sisiguraduhin ko talagang masarap iyon. Magpapatulong ako kay Mother Minda.
“Dapat lang.” huling sabi niya bago kami natahimik sa pagkain. Ginaya ko nalang siya at hindi na nangahas na magsalita.
Paubos na ang pagkain ko nang maalalang may binili nga pala akong kakanin sa labas kanina.
Tumayo ako. “Wait.” Paalam ko ng tanungin niya ako kung saan ako pupunta.
Nang bumalik ay dala ko na ang isang lalagyanan ng kakanin. Bumili ako ng maja blanca sa nadaanan ko kanina bago pumasok. Nilapag ko iyon sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...