Kabanata 13

14 5 0
                                    

Isang linggo at apat na buwan. Basa ko sa kalendaryo na nakadikit sa pinto ng kusina.

Kumuha ako ng tubig na maligamgam para sa gatas ni Lawrence nang madaanan ang kalendaryo.

Bilang ko sa isip kung gaano katagal na ang nilalagi ni Ate Sandra sa pabrika. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saang lupalop ng Pilipinas.

At ako? Hindi ko na binilang kung gaano katagal na. Wala rin namang mangyayari sa akin.

Nilagpasan ko ang kalendaryo at tinahak ang pasilyo papunta sa kwarto ni Ate.

Nang malapit na ako sa pinto, narinig kong kinakausap ni Ate Sandra si Lawrence kaya hindi muna ako pumasok.

"Aww. So cute. I hope I would have a chance to have a baby like you..."

Nakinig lang ako sa kanya. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya. Gusto ko rin sanang sabihin na magkakaroon rin siya ng chance na gusto niya pero ayoko namang sirain ang moment niya.

Sa nakaraang buwan kasi, medyo tahimik siya. Minsan rin ay nakatitig lang kay Lawrence at kapag nahuhuli ko ay biglang ngingiti sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"You like me? Oh? Come here. I will sway you a bit while waiting Mama Lili!" masiglang sabi niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tinawag sa akin. Napagkasunduan kasi muna naming kami muna ang tatayong nanay ng bata. Kahit pareho kaming walang alam sa pag-aalaga. Mali, ako lang pala.

Narinig kong napahigikhik si Lawrence na lalong nagpangiti sa akin.

"May kiliti ka sa leeg?" natatawang tanong niya sa bata.

Humahigikhik pa ang bata bago napalitan ng katahimikan ang paligid na natuloy sa hikbi.

Natulos ako sa kinatatayuan ng marinig na umiiyak si Ate Sandra.

"Alam mo, gustong gusto ko nang umalis dito..." pumiyok ang boses niya. "Napupuno ako ng kahinaan at nauubusan na ng pag-asang makakalabas pa," sandali siyang huminto. "P-Pero kailangan kong tatagan at manalig na baka bukas, lalabas na ako, tayo."

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iyon ang gusto niya araw-araw.

Hindi ko napansing tumulo na ang luha ko. Humigpit ang hawak ko sa bote ng gatas.

"S-Sana, kung makakalabas ako dito, kasama kayo," tuloy niya. "You and Lili are my angel when the dark cover the light. Kayo nalang ang dahilan ko para magpatuloy at huwag mawalan ng pag-asa." Humikbi siya. Medyo malakas sa nauna.

"I prayed everytime to God. Hoping that he would hear my pleadings. Hoping that one day, we'll go home to our own family."

Napayuko ako. Hindi matanggap na sobra ang malasakit niya para sa amin ni Lawrence na hindi naman niya kaano ano.

Pero nasaktan rin ako. Dahil sa sinabi niya, kung makakalabas man kami, sila lang ang mayroong uuwian. Ako? Wala. Kahit isa.

Pinakinggan ko ang hikbi ni Ate bago inayos ang sarili at pumasok.

Idinikit ko na agad ang ngiti sa labi ko nang bumaling siya sa akin.

Bakas sa ilong at mata niya ang pag-iyak pero nagawa pa rin niya akong gantihan ng ngiti.

"Ito na ang gatas ng baby'ng iyan!" masigla kong binigay ang gatas sa bata na tinanggap naman agad.

Sinipsip agad ni Lawrence ang gatas at tumalikod sa gawi namin.

"Ang sungit mo naman!" biro ko.

Tumawa si Ate. Hinimas niya ang likod ng bata at mahinang tinatapik tapik ang puwitan nito.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon