Kabanata 32

14 5 0
                                    

Kinabukasan ay naiwan ako sa loob ng condo unit. Pumasok kasi sa trabaho si Uno kaya naiwan ako mag-isa. Naglinis at natulog nalang ako roon.

Hindi na rin kasi ako papasok sa GV Holdings dahil hindi magandang may relasyon kami sa trabaho. At hindi naman talaga trabaho ang nagdala sa akin kay Uno. Dagdag pa na masama ang pakiramdam ko.

Kaya ng sumapit ang alas dos ay nag pumunta ako sa malapit na clinic at nagpatingin. At hindi ko na ikinabigla ang naging resulta. Positive. Hindi ko nga lang alam kung paano sasabihin kay Uno ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ako ay natutuwa pero ang siya?

Ni hindi kami kasal. Ni wala ngang may alam na kami tapos magiging instant tatay na agad ang Boss ko at sa akin pa na kanyang sekretarya.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng Mall. Dito ko naisipang maglibang pansamantala. Nababagot na rin kasi ako sa loob ng condo. Puro tulog nalang ginagawa ko.

Nang mapadaan ako sa national bookstore, pumasok at tumingin tingin ng kung ano ano. Namiss ko ang ganito. Noong college ako ay gustong gusto ko sa loob ng bookstore. Hindi naman ako bumibili ng libro. Ang madalas kong bilhin ay mga notebook or ballpen. Hilig  ng ganun kahit wala naman akong paggagamitan. Ang weird, di'ba?

At dahil nga wala akong bibilhin, lumabas nalang ako ng store at nang mapadaan sa isang toy store ay pumasok. Napangiti ako nang makakita ng mga panlalaking laruan. Naisip ko agad si Lawrence na bilhan kahit isa.

"Magugustuhan kaya niya ito?" Bulong habang hawak ang laruan. Binayaran ko na rin agad.

Napangiti ako habang bitbit ang laruan. Alam kong magugustuhan niya ang binili ko.. Pero napawi rin ang ngiti ko nang maisip na baka galit ito sa akin dahil sa ginawa ko. Ang huling kita namin ay hindi naging maganda. Baka may tampo ito sa akin.

Agad ko ring tinext si Uno na nakauwi na ako.

Me:

Nakauwi na ako. Anong oras ka uuwi? Magluluto ako.

Naligo muna ako at lumabas sa kusina para maghanda. Doon ko lang nakita ang reply ni Uno dahil iniwan ko ang phone sa sofa.

Uno:

Wag kana magluto. Pauwi na ako.

Nagkibit balikat ako. Naupo ako sa sofa at pinandar ang TV. Nang dumapo ang kamay sa tiyan ay hinaplos ko iyon. Napabumuga ako ng hangin. Sasabihin ko na kay Uno ang tungkol sa baby.

Ayaw kong patagalin. Ganun rin naman ang magiging reaksyon nito kahit sabihin ko ng maaga o hindi. Pero mas maganda na ang maaga.

Nakapatay ang ilaw sa salas. Tanging ilaw lang mula sa TV ang meron at ang nasa kusina. Hindi  iyon. Busy ako sa pinapanuod. Nagluluto kasi iyon ng masarap na seafoods. Natatakam ako at parang naglalaway. Hinimas ko ang tiyan. Nagugutom na tuloy ako.

Tunog ng lock sa pinto ang narinig ko. Alam kong si Uno iyon kaya hindi na ako nilingon.

"Ang dilim naman, Kuya!"

Doon lang ako  napalingon. Pamilyar ang boses. Tumayo ako at hinintay na makapasok ang mga nasa pinto. Nasilaw pa ako ng buksan ang ilaw.

"Oh My God!"

Napakurap ako. Nang dumako ang mata roon ay nagulat ako sa nakita. Kasama ni Uno si Prescilla. May kasama rin itong medyo katandaan na babae at lalaki. Mabilis kong nahulaan kung sino ang mga ito. Parents n'ya!

"Shit! May binabahay kana, Kuya? At si Ate Lilibeth?!" Sigaw pa ni Prescilla.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Medyo kumakabog ang dibdib ko. Lumapit sa akin si Uno at hinawakan ako sa braso.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon