Kabanata 23

16 5 0
                                    

Napansin kong papalayo kami. Ang daan ay pamilyar at isang lugar lang naman ang alam ko kung saan tutungo ito.

Walang nag-iingay sa amin dalawa kaya umayos ako ng upo at pinakaelaman ang stereo ng sasakyan niya.

"Pwedeng magconnect?" Tanong ko.

Sinulyapan niya ako saglit at tumango.

"Yeah, sure." Aniya.

Ang phone ko ang ginamit at binuksan ang bluetooth para maconnect. Then I played a song, my favorite.

Panandaliang napawi ang bigat ng dibdib ko. Ang pahapon na paligid, mga tanawin sa labas at ang tugtog ang nagpapasigla sa diwa ko. Lalo na kasama ko si Uno.

Ang ganitong kasimpleng eksena ay memorable na sa akin. I don't know why but I love this. The simplest thing in the world has a especial meaning. Merong iba na ayaw sa ganitong simpleng pangyayari. Oh well, iba iba naman ng taste ang tao. Hindi mo pwedeng ipilit ang sayo dahil gusto mo lang. Kasi kapag pinilit mo, ikaw lang ang madidisappoint at masasaktan sa huli. So, magsolo ka nalang.

Dumaan kami sa isang fast food. Nagutom yata siya kaya nagutom at natakam rin ako.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

Nakasilip sa kanya ang babaeng crew, hinihintay ang order namin.

"Ikaw." Wala sa sariling sabi ko. Siya ang bahala sa order. Makikikain lang naman ako. Libre niya yata.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. May mapaglarong tingin sa kanyang mga mata. Kumunot ang noo ko. Anong problema ng isang 'to?

Then I remembered what I said. Oh shit! Sa paraan ng pagkakasabi ko ay parang siya ang gusto konh kainin!

"I-I mean—"

"I know. Pero ang tinutukoy ko ay kung ano gusto mong kainin." May himig ng paglalaro sa kanyang boses.

I rolled my eyes. Anong akala niya? Siya ang gusto kong kainin? Hmm, pwede rin.

Napailing ako sa huling naisip. Ano ba 'yun.

"I mean, ikaw ang bahala." Sabi ko.

Napairap pa muli ako ng makitang may ngiti na sa kanyang labi. Hindi na nakayang pigilan.

"Two large of fries. Two coke float. Then burger." Turo niya. Nakatanga lang sa kanya ang babaeng nag-aassist.

Umismid ako. Hindi ako mahihiya. Bakit? Ako ba ang hindi agad nakagets ng sinabi ko? Siya lang naman nagbigay ng meaning. Ang dumi.

Bago kami bumalik sa byahe ay nagtext ako kay Mother Minda na baka gabihin ako dahil tinangay ako ng Boss ko. Kinamusta ko na rin ang anak ko. Dapat ay sinama ko siya. Malungkot pa naman siya. Wala na akong magagawa. Nakasakay na ako at nakalayo na kami. Mag-eexplain nalang ko pagkauwi.

Wala tuloy akong ginawa kundi ang umirap ng umirap. Hindi kasi mawala ang ngiti sa labi ng kasama ko.

Sumubo ako ng isang fries. Masarap iyon dahil plain lang at mainit pa. I tapped my fingers on my leg. May sariling isip na parang tinatangay ng musika. Lumingon ako sa katabi.

Still driving. Ni hindi manlang kami huminto.

"Hindi kaba nagugutom?" Tanong ko. Nag-order kami ng pagkain. Pang dalawang tao. 'Wag niyang sabihin na hindi niya kakainin ang sa kanya?

"Nagugutom." Maikling sabi niya. Niliko niya ang sasakyan.

Hininaan ko ang stereo. Medyo gusto ko na ng medyo mahina.

"Oh? Itigil mo muna sa tabi itong sasakyan." Tumuro ako sa isang gilid. Nagugutom pala siya, bakit ayaw niyang huminto?

"Nah. Hindi pwede. Kailangan nating makarating doon agad bago dumilim." Aniya.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon