Kabanata 4

22 7 0
                                    


Busy ako sa pagpupunas ng mga table sa café nang tawagin ako ni Lorene mula sa counter.

"May tawag sa phone mo." Sabay turo sa phone ko.

Iniwan ko kasi iyon sa counter para kahit may tunawag o magtext, hindi ako madidistract.

Kinuha ko iyon sa kanya nang ilahad niya. Unknown number iyon kaya nag alangan pa akong sagutin iyon dahil baka kung sino.

Pinakinggan ko muna ito magsalita.

"Good day, Ma'am." Anang babae.

"Hello. Sino po sila?" Magalang kong tanong.

"Is this Ma'am Lilibeth Estrella?" tanong niya.

Takang sumagot ako. "Opo. Bakit po?"

"Ah, Ma'am! Congratulations! Tanggap na po kayo as Executive Secretary of GV Holdings."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang humarap kay Lorene.

"T-Talaga?"

"Yes, Ma'am. Pwede na po kayong magsimula sa monday." Masayang sabi niya.

Tango lang ako ng tango sa lahat ng sinasabi ng babae hanggang sa matapos siyang magsalita.

"Okay. Sige." Iyon lang ang nasabi ko.

Nang namatay ang tawag ay humarap ulit ako kay Lorene na nakaabang sa sasabihin ko.

"Ano daw?"

Tumikhim ako. "Tanggap ako."

Hindi ko inaasahan ang mabilis niyang paglapit sa akin at pagyakap. Tumalon talon pa siya.

"Oh My God! Congrats!"

Napangiti ako pero nawala rin nang maghiwalay kami.

Ang nakangiting labi niya ay biglang nawala ng makitang umiwas ako ng tingin sa akin.

"Oh? Hindi kaba masaya?" takang tanong niya.

Umiling ako. "Masaya naman pero..."

"Pero?"

Nahihiyang tumingin ako sa kanya at kumagat sa labi.

"H-Hindi kaba galit sa akin?" mahinang tanong ko.

Natanggap ako sa GV Holdings. Ibig sabihin doon na ako magtatrabaho at hindi sa kanya.

Humugot ako ng hininga.  Pakiramdam ko kasi, nagtaksil ako sa kaibigan ko. May trabaho ako sa kanya pero naghanap pa rin ako ng iba.

"Bakit naman ako magagalit sayo?"

Yumuko ako. "Kasi naghanap ako ng ibang trabaho kahit nagtatrabaho naman ako sayo?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa malapit na upuan.

"Hindi ako galit. Siguro, tampo, oo. Pero hindi ko naman kayang magalit sayo lalo na may mga dahilan ka. 'Tsaka, matagal na tayong magkasama at kaibigan kita kaya naiintindihan ko rin." Ngumiti siya sa akin.

Tinignan ko siyang mabuti.

Ganoon rin kaya ang lahat? Na sa bawat panahon na may nakakasama kang ibang tao at bagong kakilala, tinuturing rin kaya nila ang isa't isa na kaibigan?

Noong nakilala ko sila Dacey, Patricia and Lorene, hindi ko naman sila ginustong maging kaibigan pero bigla nalang isang araw, hindi na sila humihiwalay sa akin hanggang makasanayan ko na rin.

Hindi ako humiling ng maraming kaibigan. Isa nga lang sapat na pero sobra iyong binigay.

Nanggigilid ang mga luhang niyakap ko siya.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon