Kabanata 9

15 5 0
                                    

Ramdam ko ang malamig pakikitungo at pag-iwas sa akin ni Sir Uno sa nakaraang isang linggo. Ganu'n rin naman ako sa kanya. 'Di alam kung paano siya kakausapin.

Minsan, nahuhuli ko nalang siya na nakatingin sa akin. Tapos bilang iiwas rin.

Ang magaan ko sanang trabaho sa nakaraang mga araw ay naging mabigat. Para akong walang kasama. Hindi na rin siya nagpapabili ng pagkain kaya naisipan kong balik baon muli ako.

Itinulak ko ang babasaging pinto ng Venice Cafe. Ininvite ako ni Lorene dahil may ipapatikim daw siyang bagong produkto nila.

Naabutan ko silang nagtatawanan at may tinitignan na kung ano. Tahimik akong lumapit sa kanila at sinilip ang pinagkakaguluhan.

"Ano 'yan?" Pukaw ko.

Sabay sabay silang bumaling sa akin at binati ako.

"Nandito na pala si Madame Lilibeth!" Si Patricia.

"Hi pretty Lili." Si Dacey na may malambing na ngiti.

"Oy, sakto dating mo. Miss secretary!" Malakas na bati naman ni Lorene. Gusto ko tuloy mapakamot. Ang lakas ng bunganga.

"Hello." Iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Upo kana pretty babe," tinuro ni Lorene ang upuang malayo sa kanya.

Rectangle tables kasi ang mga lamesa sa cafe. Nasa gitna si Patricia. Sa kaliwa niya ay si Lorene at sa kanan naman ay si Dacey.

"Bakit d'yan? Ang layo sa inyo?" Ang tinuro kasi niya ay may isang bakanteng upuan pa na papagitnaan namin.

"Basta d'yan ka umupo." Parang walang pakealam si Patricia.

Tumayo si Lorene at pumunta sa counter. Hindi ko nalang pinansin ang kawirduhan nila at hihilahin na sana ang upuang tinuro nila ng may humila nun.

Napabaling ako. Nakangiti sa akin si Sir Kian. Siya ang naghila ng upuan para sa akin. Napailing ako nang maintindihan kung bakit doon ako pinapaupo.

Tumabi siya sa akin. Sa bakanteng upuan sa kanan ko. "Hi Lili," aniya.

"Hello, Sir." Bahagya akong ngumiti.

Ilang beses nang bumabalik sa cafe si Sir Kian, paalam sa akin ni Lorene. Kaya hindi nakapagtatakang naging malapit na sila Lorene sa dati naming professor.

"Hindi kita madalas makita dito." Aniya.

Sila Patricia ay nagpipigil ng ngiti nang balingan ko sila. Lihim akong napairap.

"Oo nga po. Busy na po kasi sa trabaho." Dahilan ko.

Tumango tango siya na may bahid ng ngiti. Ang dalawang kasama ko naman ay nagbubulungan na.

Inilingan ko nalang sila at pinalibot ang tingin sa cafe. Mula nang umalis ako dito ay ganun pa rin ang ayos ng lahat. Naglagay lang ng dekorasyon katulad ng mga frame.

Ramdam ko ang titig ng katabi ko kaya nagpapasalamat ako nang dumating si Lorene na may bitbit na tray.

Nilapag niya iyon at umupo na.

"Try n'yo ang bagong nasa menu namin!" Pumalakpak si Lorene.

Milktea iyon. May design ng cafe ang bawat baso.

"Wow! Bago nga. Parang ngayon lang yata ako nakakita niyan?" Parang tangang sabi ni Patricia.

Si Dacey naman ay kumuha na ng sa kaniya at tinikman agad.

"Masarap." Aniya. Nag tumps up siya.

"Ay, oo! Pasensya kana, ha? Saang planeta ba galing yang utak mo?" Pagtataray ni Lorene kay Pat.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon