Simula

92 8 0
                                    


Napatalon ako sa kinauupuan ng may tumapik sa tabi ko. Hindi ko napansing nakatulog ako habang hinihintay ang Professor sa isang subject.

"Huy! Tara na. Wala daw si Mr. Vladimir ngayon." Si Dacey.

Nagmamadali na ang mga kaklase ko sa pagliligpit ng mga gamit nila.

Tumingin ako sa labas. Naroon na pala ang susunod na mga estudyanteng gagamit ng room.

"Ano ba yan! Hindi man lang nagpasabi na hindi papasok si Sir. Nakauwi na sana ako kanina pa kung nagpasabi lang." Nagkamot ng ulo si Patricia.

Nagmadali na rin ako sa pagliligpit ng gamit. Hindi ko na inayos ang nagulong buhok ko. Hindi ko na rin ininda ang namamanhid kong mga braso dahil sa pwesto ng pagtulog ko.

Nang makalabas kami ay maingay na nagkukwentuhan si Dacey at Patricia tungkol sa kung ano.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang matulala dahil sa napanaginipan ko. Sariwa iyon sa isipan ko.

Bakit kung kailan araw ay siya namang bumabalik ang mga pangyayaring iyon. Ayoko ng nagpapagulo sa isipan ko.

Pero ganoon siguro talaga. Kung anong iniiwasan mo, siya namang kusang magpapaalala sayo.

"Ay naku! Kung hindi lang huling taon na natin dito, baka pupwede pa akong umabsent kahit isang araw lang!" talak ni Patricia.

"True!" sigaw naman ni Dacey na nagpagising sa akin.

"Huh?" naguguluhang tumingin ako sa kanila.

Umirap si Dacey, "Ay naku! Tulala na naman si mareng Lili."

"Ganyan ka kapag nagigising, ano?" tanong ni Pat.

Hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko naman sila maintindihan. Pero nagulat ako ng sigawan nila ako sa tenga. Tig-isa pa silang tenga.

"Tulala!" tapos tumawa sila.

Napailing nalang ako at hindi sila pinansin. Patuloy pa rin silang nagkukwentuhan sa magkabilaang gilid ko.

Bakit hindi sila magtabi kung mag-uusap sila?

Nang makarating sa sakayan ng jeep, sumakay na silang pareho. Malayo kasi ang kanila at ako, mamaya pa uuwi.

Kumakaway ang dalawa habang hinahatid ko sila ng tanaw. Nang masiguro kong wala na sila ay tumalikod na ako at naglakad.

Kahit anong iwas kong isipin ang mga bagay bagay, hindi ko maiiwasan.

Tuloy lang ako sa paglalakad papuntang Venice Café. Malapit lang iyon kung bibilisan ko. Pero hindi ko alam kung pagod ba ang mga hita ko o ano dahil ang bagal kong maglakad.

Malalim ang iniisip ko nang makaramdam ako ng init at parang pinapaso ang braso ko.

"Oh My God! I-I'm sorry!" anang babae sa harap ko.

Napatingin ako sa braso ko at sa cup ng kape sa lapag ng daan. Doon ko lang ininda ang paso noon.

Kinapa ko ang bulsa ng blouse ko para sa panyo pero naunahan ako ng babaeng punasan ang braso ko.

"Sorry! I didn't meant to bu—"

"Okay lang..." mahinahong sabi ko.

Kinuha ko ang panyo sa kamay niya. Ginamit na niya iyon sa pagpunas sa akin. Lulubos lubisin ko na.

"I'm sorry again..." hinging tawad niya ulit.

"Bakit ikaw ang nagsosorry? E, si Ate naman ang may kasalanan kung bakit siya natapunan ng coffee." Umirap ang isang kasama niyang babae.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon