Kabanata 31

11 3 0
                                    

Ang apat na oras at kalahating na byahe ay ginugol ko sa pag-iyak at pagpapakalma. Nahihiya na nga ako driver ko kaya nilibang ko nalang ang sarili ilang oras sa pagtingin sa labas ng sasakyan. Naamaze rin ako sa ilang bahay na nakita ko. Organize iyon pataas. Parang bahay lang sa isang sikat na lugar.

Tapos ay puno at iba't ibang gusali ang sumunod na nakita ko. Nang makitang nasa destinasyon na kami sa Zambales, umupo ako ng maayos at tumingin sa labas. Nang idako ko ang tingin sa baba ay namangha ako sa dagat na nakita. May ilan rin akong nakitang bangka sa gilid ng baybayin. Sa kalayuan ay asul na asul na tubig dagat.

Unang beses kong makita ng dagat kaya namamangha ako. Nawala lang ang tanawin na iyon ng lumiko ang van at bumaba kung saan. Puro puno ang paligid at may ilan akong bahay na nakita. Simpleng bahay lang na gawa sa mga kawayan.

At nang sa wakas ay huminto na ang van, mabilis akong bumaba. Sinamahan rin ako ng driver sa pampang ng dagat. Hindi kaputian ang buhangin roon. At tingin ko ay daungan iyon ng mga nangingisda.

"Hanggang dito nalang po." Nag-abot ako ng bayad. "Ito po. Dinagdagan ko po iyan para sa pang-iistorbo ko sa inyo." Sabi ko sa driver dahil aobrang abala na talaga ang nagawa ko.

Nakakahiya kasi  dahil hindi ko akalaing ganun kalayo ang Zambales. Apat na oras rin itong nagdadrive para sa akin. Kung alam ko lang sana ay sa pampublikong sasakyan nalang ako sumakay.

"Naku, ayos lang, Ma'am. Ako nga po dapat ang magpasalamat kasia ko ang kinuha mong driver." May ngiti sa labi nito.

Tumango ako. Sabagay mahirap talaga ang buhay ngayon. Ilang pasalamatan pa ang nangyari bago ikarga nito ang bagahe ko pasakay sa bangkang naghihintay sa akin. Nang makaalis ang driver ay umakyat na rin ako sa bangka at nagsuot ng life vest.

Dahan dahan, umusad ang bangka at ang ingay mula sa motor lang nito ang nangibabaw. Sumabog ang buhok ko dahil sa hangin.Tanaw ko rin ang pangpang na pinanggalingan. Paliit ito ng paliit sa paningin. At nang hindi ko na matanaw iyon ay binaba ko ang tingin sa dagat. Wala akong makita kundi dilim. Hindi naman maalon. First time kong sumakay sa bangka kaya medyo kinakabahan ako. Sana lang hindi tumaob ito o kaya may magpakitang pating.

Nang tumingin tumingin siya sa likod ko ay unti unti nang natatanaw ang puting buhangin sa susunod na Isla. Hindi ako makangiti. Ito kasi ang gumising sa akin na tapos na. Ibig sabihin ay natapos na ang misyong ginawa ko.

Sa nakalipas na taon, ang pagkamatay ni Ate Sandra at Tito Arnold ang ginawang kong inspirasyon at misyon sa buhay. Ang islang ito ang nagsasabing tapos na ang misyon kong iyon.

Humingi ako ng malalim at kumaway sa malayo. Naroon si Tita Madel. Ang kapatid ng aking ama.

Sa ilang taon rin, hindi ako sumuko na hanapin ang ama. Magpatulong ako sa asawa ni Patricia. May kakilala kasi itong magaling sa paghahanap ng tao kaya doon ako lumapit. At pagkatapos nga ng dalawang taon, nahanap nga nito ang ama ko.

Pero hindi pa rin ako pinalad na makilala ito. Nalaman kong namatay na ito noong nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo. Kung sana ay mabilis lang ang pagtakbo ng oras, makakasama ko sana siya. Pero ganoon talaga. Malungkot pero kinailangan kong tanggapin ang lahat ng dumating sa buhay ko.

Ang naging tanging pag-asa ko na lang ay ang tiyahin ko sa ama. Iyon nga iyong kinakawayan ko ngayon.

Nang dumaong sa pampang ang bangka ay inalalayan ako ng bangkero bago ibaba ang aking mga gamit. Binayaran ko rin  ito bago gumarap sa tiyahin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

"Hello po. Ahm, ako po si Lilibeth—"

Nagulat ako ng yakapin ako nito at umiyak. Nakangiting tinapik ko ang likod nito. Sa wakas, may masasabi na talaga akong totoong pamilya sa dugo. Hindi na ako parang kabute na tumubo lang sa mundo.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon