Kabanata 21

11 5 0
                                    

Alam kong hindi magandang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko naman kayang pigilan kung anong dapat kong marinig. Tadhana na rin siguro ang gumagawa ng paraan para malaman natin ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Hindi natin alam na kahit anong oras ay pwedeng magbago ang lahat.

Nakakakilabot lang ang mga narinig ko. Wala namang masama sa mga sinabi niya pero ang paraan ng kanyang pagsasalita ay nakakatakot at nakakakaba.

"What took you so long?" Si Uno. Kakasakay ko lang sa kotse niya.

Inayos ko ang seatbelt habang hindi mapakali ang aking mata. "M-mahaba ang pila."

His forehead creased. "Are you okay? You look pale."

"Uhm. Sumakit kasi yung tiyan ko." Sabi ko.

In-start na niya ang sasakyan at lumabas sa parking ng Mall. Nagbago na ang kulay ng langit. Sign na malapit nang takpan ng dilim ang liwanag.

Habang nasa byahe, hindi matigil sa pagreplay ang mga narinig ko. Bakit ganun? Kakaiba talaga.

Hindi ako mapakali kaya nilingon ko si Uno. Tahimik lang rin siya at patuloy lang sa pagmamaneho.

"Pwede mo ba akong ihatid sa condo ni Lorene? Doon mo nalang ako ibaba." Sabi ko.

He glanced at me. "Bakit doon? May kailangan kaba'ng sabihin o kuhanin? Hintayin nalang kita para ako na rin ang mag-uwi sayo sa ampunan."

I stared at him. May tiwala naman ako sa kanya, 'diba? Ayos lang siguro kung isama ko na rin siya.

"Hindi na. Sumama ka nalang sa akin doon." Sagot ko.

Itinuro ko sa kanya kung saan ang condo ni Lorene. Hindi iyon kalayuan sa Café kaya madali lang mapuntahan. Umikot pa muna kami bago makapasok ng building. Naghanap ng parking lot.

Pagsakay sa elevator ay tinext ko si Lorene.

Me:

Hey, dito ako sa building n'yo. Punta ko sa unit mo.

Hindi siya nagreply. Nang bumukas ang elevator ay hinanap ko agad ang unit ni Lorene. Tapos ay nagdoorbell. Nasa likod ko lang si Uno at nakahawak sa baywang ko. Hindi ko nalang binigyang pansin iyon.

Naghintay muna kami ng ilang segundo bago buksan ang pinto. And there, ang ngisi sa labi ni Lorene ang una kong nakita at ang paghila sa kanya ni Lino.

Nagkagulatan pa kami nang makita ako sa harap ng unit niya.

"Lili? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Tumingin siya sa likod ko.

"May hihiramin sana ako. Pwedeng pumasok?"

Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Si Lino ay naupo sa sofa at niligpit ang mga nakakalat na magazine sa table.

"Salamat." Sabi ko tapos ay pumasok.

Nilapitan niya ako. "Anong hihiramin mo?"

"Laptop. Dito ko lang rin gagamitin. Saglit lang ako." Sabi ko.

Sumilip siya sa dalawang lalaki sa sofa. Hindi ko muna itatanong sa kanya kung bakit nandito si Lino.

Sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng kwarto niya. Ang kulay pastel blue niyang kwarto ang sumalubong sa akin.

"Kunin ko lang. Hindi ko pa naichacharge iyon. Pero pwede mo namang gamitin habang nakacharge." Aniya.

Naupo ako sa kama niya at nilabas ang mga camera para makuha ang mga sd card. Naglabas rin ako ng flash drive.

Sinaksak niya ang charger ng laptop at nilapit sa akin. Hinintay ko muna iyong magloading bago isaksak ang flash drive at isang sd card. Ganun rin ang ginawa ko sa dalawa pang card, sinalin ang mga narecord na video sa drive.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon