Kabanata 11

13 5 0
                                    


Bitbit ang isang bungkos ng bulalak, nagpunta ako sa taong tinuring akong pamilya at naging unang kaibigan ko sa mundong ito.

Pero bago iyon ay sinigurado ko munang walang makakakilala sa akin. Nagsuot ako ng jacket, mask at nagcap. Hindi pa ako pwedeng makita ng mga taong iniiwasan ko.

Lalo na at dadalawin ko ang taong punot dulo ng lahat.

Nang mahanap ko ang taong tinutukoy ay nagmasid muna ako sa paligid at nilapag ang bulaklak na hawak. Mataimtim akong nag-alay ng dasal at hinayaang pumatak ang luha ko habang iniisip siya.

Sandra Rose E. Gimeno. The beautiful and wonderful woman I have ever seen. She gave me home and hope.

At ganung hirap nalang ang naranasan niya. Kinuha nalang siya bigla ng langit.

Sumilip ako at ikinubli  ang sarili sa likod ng mga karton nang marinig ko ang paparating na mga sasakyan sa labas.
Tiyak na sila boss Arnold na iyong paparating.

"Ipasok n'yo na..." malaki pero mababang boses iyon ni boss.
Ilang sandali lang ay may narinig na akong umiiyak at nagmamakaawang babae. Napailing ako.

Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari sa loob ng dalawang taon. Mga nagmamakaawang boses palagi ang bubungad sa akin tuwing ika tatlong buwan. Parang schedule na nga iyon.

Pero nakapagtatakang wala pang tatlong buwan ngayon. Dapat ay sa susunod pang buwan ang pagkuha ng mga tauhan sa pabrika.

"P-Parang awa n'yo na po. Pakawalan n'yo na ako. P-Pangako! Hindi ako magsusumbong sa mga pulis..." anang babae.

"Naku! E, ilang beses na naming narinig iyan. Laos na ang mga gan'yang linyahan!" tumatawang kumento ni gorilyang Budoy.

Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil may piring ang mga mata. Pero sa kutis, hugis ng labi at ilong palang, nasisiguro kong maganda siya.

"Ilagay n'yo sya sa bakanteng kwarto," untos ni boss.

Kumilos na ang mga alagad ni boss. Tumayo ako at sinubukang silipin kung saang kwarto ilalagay iyong bagong dating na babae.

Nagmamakaawa siya habang hinihila.
Dahil hindi ko maayos na makita ang nangyayari ay tumingkad at humawak ako sa mga karton. Nahulog iyon na pinagmulan ng ingay.

Napapikit ako dahil alam kong nakita ako ng mga tauhan ni boss Arnold.
Huminto sila at tumingin sa gawi ko.
Patay.

"Anak ng... anong ginagawa mo d'yan, Lilibeth?!" malakas na sigaw ni boss Arnold.

Kanina ang baba ng boses n'ya sa bagong dating tapos nakita lang ako, naging halimaw na naman siya. May favorite na siya ngayon?

Dumilat ako at napangiwi ng pilitin kong ngumiti. Ang kamay ko sa likod ay pinipilipit ko na dahil sa katangahan.

"Hinahabol ko lang 'yung bubwit na nakita ko," tumawa pa ako ng pilit para hindi naman masyadong nagsisinungaling ako.

Tinitigan niya ako ng masama. Naku! Kumunot na naman ang noo niya. Hindi magandang tignan. Para siyang halimaw na nagdidikit ang kilay.

Bumaling siya kay Budoy.

"Budoy! Dalhin n'yo na 'yan. Ikaw, Lilibeth, sumunod ka sa kanila at asikasuhin mo iyon." Parang galit pa rin siya habang nagsasalita kaya tumango tango ako ng ilang beses at excited na lumapit sa babae.

Hinawakan ko ang kamay n'ya pero dahil siguro sa natakot kaya binawi agad.

"Halika na nga! Epal ka talagang, Lilibeth ka! Pasalamat ka at maganda ka---"
Hindi ko siya pinatapos at nagsalita ako.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon