"Bulaga!"
Humahighik ng malakas si Lawrence dahil sa ginawa ko. Naglalaro kami ng taguan sa kwarto.
Ayoko naman lumabas pati na rin si Ate kaya nanatili nalang kami sa loob. Hindi rin naman kami pwedeng lumabas ngayon dahil may naghahakot sa labas. Ang mga bata naman ay nasa kwarto nila.
Nagtago ako sa gilid ng higaan at ginulat muli si Lawrence na ikinatawa niya ng malakas.
"Ang sarap patawanin!" Kinurot ko ang ilong niya na agad umiwas sa kamay ko.
Nakakahakbang na siya hanggang tatlo. Ang bilis ng improvement niya.
"Lili," tawag sa akin ni Ate.
Umupo ako sa tabi ni Lawrence at binalingan siya. Nakaupo siya sa sahig habang nasa harap naman niya ang bag niyang pula.
"Hmmm?" inayos ko ang nagukong buhok ng bata bago siya tignan.
"May nakita kabang picture sa phone ko?" nakatalikod pa rin siya at hinahalungkat ang laman ng bag.
"Picture?"
"Oo."
Inalala ko kung meron ba akong nakita ba akong picture sa phone niya noong araw na kinuha ko iyon sa oposina ni Boss Arnold.
Ang naaalala ko lang ay iyong picture ng babae.
"Anong picture ba?"
Tumayo siya at pinagpagan ang puwitan. Lumapit siya sa akin dala ang bag niya.
"Picture namin ng mga kaibigan ko. Tinanggal mo ba sa likod ng case ng phone?" tanong niya.
Umiling agad ako. "Wala akong tinatanggal d'yan."
"Ganoon ba? Nasaan kaya iyon?" binuklat pa niya ng isang beses ang bag niya. Nagkalat ang laman sa higaan.
"Hindi ko alam. Pero may nakita akong picture sa drawer ni Boss. Picture ng babae." 'yung babaeng pamilyar sa akin.
Bumaling siya sa akin. "Picture ng babae?"
Tumango ako. "Oo, pamilyar nga, e."
"Baka kakilala mo?"
Umiling ako. "Hindi ko alam. Pero kung picture n'yo magkakaibigan, siguradong hindi iyon."
Huminga siya ng malalim. "Sayang naman. Pero okay lang. Meron naman akong pamalit sa picture na iyon."
Kinuha niya iyong kulay pink na notebook. Nang buksan niya, tumambad sa akin ang ilang picture na hindi ko kilalang tao.
Kumuha siya ng isang picture doon at nilahad sa akin. Binuhat ko muna si Lawrence sa kandungan ko dahil baka malaglag siya mula sa sahig bago ko kinuha ang picture na maliit.
"Mga kaibigan mo ang mga ito?"
Tumango siya na may kasamang ngiti. "Yeah."
Sa litrato, tatlo silang babae roon. Si Ate Sandra ang isa. Ang dalawa ay maganda rin. Mahinhin ang itsura ng isa at ang isa naman ay mukhang palaban at mukhang modelo.
"Anong pangalan nila?" excited kong tanong.
Gusto kong makilala ang mga kaibigan ni Ate Sandra. Paniguradong mababait rin ang mga ito katulad niya.
"Ito, si Klea." Turo sa babaeng matangkad na mukhang modelo. "Ito naman si Elvira." Ang babaenh maamo naman ang tinuro niya.
Nasa gitnang bahagi si Ate. Pinagitnaan siya ng dalawang babae.
Humahangang tumango ako. "Ang gaganda ng mga kaibigan mo. Parang bawal makijoin sa grupo n'yo." Biro ko.
Tumawa siya. "Ano kaba. Mababait sila."
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...