Kabanata 26

10 5 0
                                    

:( super ikli nitong chap na 'to. Sorry po.

Sa sumunod na araw ay maaga rin kaming pinuntahan ni Detective Duran. Nakakahanga nga at napakabilis nitong kumilos at mangalap ng impormasyon.

Sa dinning table muli kami nag-usap. Pinaghanda ko sila ng kape. Natapos na rin kasi kaming kumain ni Uno noong dumating sila. Kahit inalok ko rin sila ay tumanggi ang mga bisita. Ipagluluto ko sana sila kung gusto talaga.

"Kauti lang ang nalaman namin," bungad nito at may inabot na mga papel. "Klea Rodriguez. Twenty eight years old. A model to their own company. Only child of Mr. and Mrs. Rodriguez." Sabi niya habang binabasa namin ang portfolio ni Klea.

Ang pagmamay-ari nilang kompanya ay pagawaan ng mamahaling damit. Sikat iyon at maganda ang feedback na nakukuha ng company.

Sabi sa pa ay hindi masyadong active sa pagmomodel si Klea dahil may iba itong pinagkakaabalahan. Libangan lang ang pagmomodel.

"At ayon sa natanungan naming dating kaeskwela, bully ito noong high school." Dagdag nito.

Nagulat ako. Hindi dahil sa bully si Klea kundi sa pagiging magkaibigan nila ni Ate Sandra. Malayo ang personality ni Ate sa kanya. But well, hindi rin natin masasabi. You will know the true meaning of friendship when you with them. Sila ang magkakaibigan kaya alam nila ang tunay na ugali nang isa't isa.

Hindi ko o natin pwedeng husgahan ang isang tao base sa nakaraan nila. Wala tayong karapatan. Hindi porque masama na ang pinakita niya sa ibang tao ay ganun na siya sa lahat.

"Ibig sabihin ba, may posibilidad na siya ang suspect dahil bully siya noon?" Takang tanong ko.

"Hindi natin masasabi. People changed. Baka nang tumungtong siya ng kolehiyo, nagbago na rin siya." Sabi nito.

Pero magkaibigan sila. Matagal na nga kung tutuusin. Kung hindi ko lang alam na nasa paligid lang ang salarin, hindi ko iisipin na isa sa mga kaibigan niya ang may sala.

May nilapag muli siyang mga papel. Kinuha iyon ni Uno. Nakitanaw nalang ako.

"Itong Elvira Salvador, medyo magulo ang buhay." Parang wala lang na sabi ni Detective.

Kumunot ang noo ko at nakibasa.

"Twenty eight years old. Manager sa isang kilalang hotel. May kapatid sa labas at tanging kinabubuhay ng magulang ay ang grocery store nito." Pagrecite nito sa binabasa namin.

"Paano n'yo nasabing medyo magulo?" Tanong ko.

"Sabi sa imbestigasyon, hindi ito umuuwi sa kanilang bahay. Nakabukod dahil may hindi pagkakaintindihan ng kanyang Mama." Kwento nito. "Hindi namin nalaman kung ano iyon. Lalo na, personal nilang problema iyon. Hindi pinagsasabi kung kanino lang."

Tumango ako. Nakinig nalang sa mga sinasabi niya.

"Itong si Klea Rodriguez ay unang naging kaibigan ni Miss Gimeno. Tama ba ako, Mr. Vineza?" Baling nito kay Uno.

Walang pag-aalinlangang tumango ito. Kahit ako ay alam ang tungkol roon.

"At itong si Kian Carson. A college professor. Ayon sa nakalap namin, magkakilala noon pa man si Mr. Carson at Ms. Salvador. Kaya hindi imposible ang narinig mo noong nasa Mall ka. Maaaring ito nga ang kausap ni Elvira Salvador." Aniya at may ilang pinakitang picture.

Si Elvira at Kian iyon. Mukhang nasa high school palang si Elvira dahil nakauniform ito.

"Pero almost eight years na silang hindi nagkikita." Umupo ito ng maayos. "At ayon sa isang kapatid nitong lalaki, dating manliligaw ni Ms. Salvador si Mr. Carson."

Nagulat ako roon. Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon, iisipin kong napaka playboy ng dating guro.

Pinilig ko ang ulo ko. Gosh. Mababaliw na yata ako.

"Kaya maliit ang chance na may kinalaman ang binata kung pagbabasihan ang agwat ng taon na hindi sila nagkikita." Sabi nito na mukhang nahihirapan na rin.

Pero para sa akin, nakahinga ako ng maluwag dahil roon. I don't know what to feel if I discovered that he's related to this case. Kahit naman tinanggihan ko siya noon, naging mabaiy naman ito sa akin at sa mga kaibigan ko.

May kakaibang tingin sa akin ang Boss ko nang makaalis ang mga bisita. Madilim ang kanyang mukha nang tanungin ko siya.

"Bakit? May ginawa ba ako?" Naguguluhan kasi talaga ako sa titig niya. Okay naman kami kanina. Bakit ganito na ito?

"Ba't parang ang saya mo nang malaman mong maliit ang chance na sangkot ang lalaking iyon?" Masungit niyang tanong.

Hindi ko siya magets kaya humarap sa kanya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Huh?"

Nilampasan niya ako. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng pitcher of water. Tapos ay kumuha ng baso at inisang tungga ang tubig.

"Tss. 'Wag kang masyadong matuwa agad." Binalik niya ang tubig sa ref. "Baka meron pang hindi nalalaman ang pulis tungkol sa kanya." Aniya sa masungit na paraan.

Tumaas ang kilay ko sa napagtanto. Si Kian ba ang tinutukoy niya? Iyon lang naman ang pinaiimbestigahan namin na lalaki. Tumaas ang sulok ng labi ko at maang na tumingin sa kanya.

"Nagseselos kaba?" Marahan kong tanong.

Nakatalikod ito. Hindi sumagot. Ang ngiti ko ay tumakas na kaya salamat talaga ay nakatalikod ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Shit, ang laki ng katawan. Ang tigas pa.

Humawak siya sa kamay ko. Ang isa pa nitong kamay ay nakahawak sa handle ng ref. Nagtip toe ako. Inabot ang pisngi niya pero sa panga lumapat ang labi ko. Bahagya siyang lumingon sa akin.

"Huwag ka nang magselos. Naging mabait sa akin at sa mga kaibigan ko 'yung tao. Hindi ko yata alam ang gagawin kung malalaman kong may alam siya sa kaso." Malambing kong sabi at hinalikan muli siya sa panga. Doon lang naman ang abot ko.

Nakangusong humarap siya sa akin. Wala na ang sungit sa mata.

"'Yun lang? Wala nang ibang dahilan?" Naniniguro niyang tanong.

"Wala na." Pigil ang ngiting tinaas baba ko ang kilay.

And sa wakas, lumabas na ang ngiti nito. Niyakap niya ako. Ang mukha ko ay nasa dibdib niya at marahan akong sinasayaw.

"Okay." Maikli niyang sagot.

Ngumisi ako. Ang bilis naman lambingin ng isang Juan Leonardo Vineza. Tignan nga natin.

"Pero dati siyang nanligaw sa akin." Sabi ko.

Pinigilan ko ang tawa ko ng tumigil siya sa pagsway at kumalas sa akin. Maang akong tumingala sa kanya. Kunot ang noong nagsungit na naman.

"I knew it! He like you!" Nanggigigil niyang usal.

Nang hindi ko mapigilan ang tawa ay tumakbo ako. Siya naman ay mabagal akong hinabol papasok sa loob ng kwarto.

Sakto naman ang pasok namin dahil tumunog ang aking phone kaya agad ko iyong sinagot nang makitang si Mother Minda iyon.

Si Uno ay yumakap sa likod ko at hinalikan ako sa tenga at leeg.

"Hello, Mother?"

"Lili! Si Lawrence mataas ang lagnat. Hinahanap ka." Bungad niya.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pag-aalala. Lumayo ako kay Uno at tumakbo sa walk in closet para magpalit.

Nagtataka namang sumunod sa akin si Uno.

"Si Lawrence, nilalagnat. Kailangan kong umuwi." Sabi ko bago isuot ang jacket ko.

"Ihahatid kita." Aniya. Tumango ako at hinintay siyang magbihis.

Tapos ay nagmadali kaming bumaba ng parking. Patakbo akong nagtungo sa kotse niya pero hindi agad pumasok nang may nakita akong binatilyo na nakatingin rin sa akin.

He looks familiar. Pero hindi ko iyon pinansin at pumasok nalang sa loob ng kotse. Ang utak ko ay nasa anak na may sakit.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon