Bumisita ako sa Venice Café. Gusto ko rin kasing kumustahin si Lorene. Hindi ko siya nakita sa birthday party ng anak ni Patricia. Hindi rin siya nagtetext sa akin kaya ako na ang nagboluntaryong pumunta sa kanya.
Pero nang makarating ako sa Café, naisip kong dapat pala ay hindi na ako pumunta. She looks okay naman.
Mula sa table na inupuan ko, tanaw ko si Lorene at Lino sa counter na nagbubulungan. I don't know what happened pero mukha na silang okay. Hindi nga ako napansing pumasok. At kung hindi pa pumasok si Dacey ay baka hindi na talaga ako mapansin.
"Anong meron?" Tanong niya. Nakatanaw rin kila Lorene. May bitbit siyang paper bag.
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Kadarating ko lang rin. Hindi nga ako napansin."
"Huh? Ganun?" Aniya.
Nang dumako muli ako sa counter ay nahagip ako ni Lino. Ngumiti ito sa akin at kumaway. Doon lang ako napansin ng magaling kong kaibigan.
"Uy, Lili!" Tili ni Lorene habang palapit. Iniwan si Lino. Tumabi siya sa akin.
Si Dacey naman ay umorder tapos ay inilabas ang laman ng paper bag niya.
"Napadpad ka?" Tanong niya.
"Hindi mo kaya ako tinetext." Sabi ko.
Tumikhim siya at ngumiti. "Busy lang. Alam mo na, dito sa Café."
Nanliit ang mata. "Talaga?" Tumingin ako sa counter. "Sa Café o kay Lino?"
Pigil ang ngiting kinurot ako. "Both." Aniya.
Umiling iling ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Niyakap niya ako at humahighik.
"Thank you nga pala." Aniya.
She told me what happened. Sabi ko na, e. Usap lang ang kulang sa kanila. Pareho ko namang nakikita sa kanila na gusto nila ang isa't isa. Talagang pakipot lang itong si Lino. Binusted agad ang best friend ko.
Masaya ako para sa kanilang dalawa. Ang harutan ginawang totoohanan. Kaya minsan mahirap magbiro.
"Ano ba iyan, Dacey?" Tanong ni Lorene.
Kinuno ko ang isang ginagawa niya. Ano 'to? May maliit na screen. Nakita kong nilalagyan niya ng sd card ang bawat isa.
"Camera 'to. Bigay ng Tita ko galing Australia. Hindi ko nga alam para saan ang mga ito." Binulong ang huling sinabi.
Inasembol pa niya ang mga iyon. Mukhang mga bago ang mga camera. Tinulungan na rin namin siya.
"Aanhin mo naman ang mga iyan?" Si Lorene.
Nagkibit balikat si Dacey. "Dunno. Pang vlog daw sabi ni Tita. Uso daw kasi iyon." Aniya.
Kinuha ko ang isang naasembol na. Sinuri ko ang camera. May ganito palang kaliit na camera. Ang galing ng pagkakaibento.
"Pwedeng pwede itago kung saan ito." Wala sa sariling nasabi ko.
"Ay, oo! Alam mo iyong prank na napapanoud ko? Tsk. Hindi nila napapansin na may camera sa paligid nila. Ewan ko lang kung ganito ba ang gamit nila." Dagdag ni Lorene.
"Hindi naman ako nagbavlog! Pwede kung mag aouting kami." Pinagtabi tabi niya ang mga camera.
Ang hawak ko ay inagaw ni Lorene at binuksan. Tinapat niya iyon sa akin kaya umiwas ako.
"Lorene!"
Tumawa ito at tinapat nama kay Dacey. Hindi ito umiwas at sumimangot pa sa camera.
"Ang cute mo talagang bulaklak ka!" Bulaslas niya. Inabot niya ang pisngi ni Dacey pero umatras ito.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...