Pagkatapos nang ginawang pagtatanong ng Boss ko, bumalik na naman kami sa dati. Actually, ako naman ngayon ang may gustong umiwas sa kanya.
Marahan akong huminga bago pumasok sa loob ng office. Kahit gusto kong iwasan siya, kailangan kong humarap sa kanya at sabihin ang mga kailangan niyang gawin sa araw na ito.
Dala ang maliit kong notebook at ang tinimplang kape na humarap ako sa kanya. Ginawa kong normal ang kilos at expression ng mukha ko.
"Good morning, Sir." Bati ko. Tumango lang siya at busy sa binabasa. "Here is your coffee." Nilapag ko iyon at medyo natapunan pa ang daliri ko kaya napangiwi ako.
Buti nalang walang pumatak sa table niya. Napansin niya yata ang nangyari kaya nag-angat siya ng tingin sa akin.
Hindi ako sigurado pero parang may dumaang pag-aalala sa mga mata niya pero nawala rin naman agad.
Napakagat labi ako. Thanks sa coffee na tumapon sa daliri ko, tinignan ako ng Boss ko dahil doon.
Pigil ko ang ngiti at panandaliang nakalimutan ang ginagawa kong pag-iwas.
May inabot siyang handkerchief. A white one.
"Take it." Maikling aniya.
Kinuha at inipit ko lang iyon sa mga pagitan ng daliri ko para matakpan ang napasong daliri.
"Thanks."
Sa harap na niya mismo ako nagbukas ng notebook at tinignan muna iyon bago magsalita.
"Sir..." Tawag ko. Hindi na siya nag-angat ng ulo kaya nagpatuloy ako. "May meeting ka mamayang before lunch with the boards. And visiting at GV real estate and hotels this two p.m. Kailangan n'yo rin pong pirmahan ang mga papeles na kailangan ng ibang department." Wala pa rin. Tuloy pa rin siya na parang walang nagsasalita sa harap niya. "Iyon lang po."
Hinihintay ko ang tugon niya pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. I guess, narinig naman niya.
Pero bago ako makalabas ay sumagot na siya.
"Cancel my schedule for today. I have something to do." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "But Sir, kailangan mong unattend ng meeting sa board."
Bakit kasi biglaan? Wala namana kong laman na ibang gagawin niya ngayon bukod sa sinabi ko. 'Tsaka alam niyang importante ang meeting na iyon.
"Just do it." Aniya at hinilod ang sentido na parang nauubusan na ng pasensya.
"Pero-"
"I said, cancel it! I'm your boss! Sundin mo ang sinabi ko." Nagulat ako sa sigaw niya.
Galit siya. Kita sa mukha niya na hindi siya nagbibiro. Nakaramdaman rin ako ng kaunting takot pero nawala rin naman.
Umayos ako sa ng tayo. "Alright, Sir." Pino kong sabi.
Nawala ang galit sa mukha niya at napalitan ng paglambot. Umiwas siya ng tingin.
"I'm sorry." Aniya bago ako tuluyang lumabas.
Aaminin ko, nasaktan ako ng pagtaasan niya ako ng boses. Pero kasalanan ko naman iyon. Hindi ako marunong makinig. Ano nga ba ako? Secretary lang niya ako at siya ang boss. At siya ang masusunod.
Mahirap mang pigilan pero dinamdam ko iyong nangyari. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil doon.
Sa huli, wala rin akong choice kundi sarilihin ang dinaramdam.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...