(Last chap ko na sana to, pero may nag request na pahabain ko pa daw 😁 okay extend ko na lang ng mga dalawang chap😁)Queen's PoV
Lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin, pagkapasok ko palang sa classroom, at alam na alam ko kong bakit ganon nalang ang tingin nila sa akin.
Sinamaan ko sila ng tingin, sabay sabay naman silang napabaling ng tingin sa iba, Napangisi nalang ako sa nangyari, kahit kailan talaga natatakot parin sila sa akin.
Tch ! No matter what happens, I am still the Queen, at walang sino mang makapagpabago non.
Poker face akong naglakad patungo sa upuan ko, at unti-unti akong napangiti ng masilayan ang babaeng aking sinisinta.
"Sinisinta talaga best ? Yucks !"
Hindi nya pa ako napapansin kasi nga nakikipagdaldalan ito kay Dannica.
Agad akong umupo sa tabi nya, Hinalikan ko sya sa pisngi, dahilan para gulat itong napatingin sa akin. Dinig ko din ang madamdaming pagsinghap ng mga taong nakakita non.
"Ang oa di ba ? Tch !"
"Gosh. . Akala ko kong sino na, ikaw pala." bahagya pang nanlaki ang mga mata nito.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Are you expecting someone, para halikan ka ?" malditang tanong ko dito.
Narinig ko ang paghagikgik ni Dann. . Kaya sinamaan ko sya ng tingin. Tumigil naman agad ito.
"No Queen. . Nabigla lang ako." tanggi nito.
"Tch ! Subukan mo lang." tinaasan ko ulit sya ng kilay.
Ilang sandali kaming natahimik. Minuto pa ang dumaan ay narinig ko nalang ang pagdadabog nito.
Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo nito, habang nakasimangot.
Hala. . Napikon ko ata ?
Nagkatinginan naman kami ni Dann. Ngunit tinawanan lang ako nito ng tahimik.
"Hey love. . What's wrong ?"
Natakot pa ako ng biglang tumingin ito sa akin, ng masama.
"Ikaw ? Anong problema mo ? Kay aga-aga gumaganyan ka ?"
Napalunok ako ng sunod-sunod.
"No love, wala namang problema." pinilit ko pang matawa. Ngunit sa loob-loob ko ay medyo kinakabahan na ako.
Matagal pa ako nitong tinitigan. "Subukan mo lang talaga." sabay irap sa akin.
Napa buntong hininga nalang ako. Haisst. . Kakabati lang namin kahapon eh, pero ngayon away agad ?
"Ikaw yong nagsimula best . . Kaya magdusa ka ! Bwahahaha."
Napakamot nalang ako sa ulo. Hindi na ako tumingin kay Dann, alam na alam ko kasing pinagtatawanan na ako nito ngayon.
Ilang sandali ay dumating na ang prof, at agad naman itong nagsimula.
Pagkatapos ng klase ay wala parin kaming imikan, at kanina pa ako kinakalabit ni Dann, sinasabi nyang ayusin ko kaagad ito.
Nauna ng lumabas si Dann, Susunod na sana si Sam pero pinigilan ko ito. Kami nalang dalawa ang natira dito.
"Queen ano ba. . Magsisimula na yong next subject ko." pinaupo ko ulit ito.
I look into her eyes and pouted. Making sure na magmukhang cute ako sa paningin nya.
Huminga ito ng malalim ."What's with the attitude ?" kunot noong tanong nito.