Sammy's POV"Kumakain ba yon dito?"out of the blue'y tanong ko kay Abbi. Nasa canteen kasi kami ngayon.
"Shino ?" tanong naman nito habang puno ng pagkain ang bibig.
"Hanggang ngayon ganyan ka parin kumain Abbelardo ?" natatawang saad ko rito. Para naman kasi itong mauubusan na ng pagkain kong kumain eh.
Napaubo naman ito bigla kaya agad ko itong binigyan ng tubig. Hindi ko naman mapigilang tumawa.
"Sobrang eww mo talaga Abbi, napaka ano mong kumain . ."
"Ikaw naman kasi Sammy eh . . Wag mo nga kasi akong tawagin sa pangalang yon, nakakabawas ng ganda, my God !" sabay hawi na naman ng imaginary long hair nya.
"Ganda? Saan banda ?"
"Itong feslak na itich sammy." turo pa nito sa mukha . "Ito na ngayon ang basihan ng kagandahan kaibigan." Inirapan pa ako nito ."At mabalik tayo doom sa tanong mo Sammy. Ano nga ulit yon ?" nagpatuloy na rin itong kumain.
"Kong kumakain din ba yon dito?"
"Sino ? Si Queen ?"
"Oo."
"Ay naku Sammy ni kailanman hindi ko nakitang kumain yon dito, tsaka haller, sa kanya kaya tong school nato and I'm sure may sariling kwarto sya dito at baka sa labas yon kumakain, yayamanin kasi eh ."
"Filthy rich bitch, bagay nga sa kanya ." saad ko.
"Hoy Sammy wag ka ngang ano."tinakpan pa nito ang bibig ko.
Tinabig ko ang kamay niya. "Abbelardo ano ba, kumakain tong tao eh ." masama ko syang tiningnan.
"Samantha kong gusto mong maging matiwasay ang pag aaral mo dito, wag kang magsalita ng kong ano-ano patungkol kay queen ." mahinang saad nito.
"Did I even mention her name ? Hindi naman di ba? Masyado kang OA Abbi." tinawanan ko lang ito.
"Kahit na Sammy, eh kong may makarinig sa atin, e di patay tayong dalawa. . Tsaka sabihin na nating lahat ng estudyante dito takot sa kanya pero lahat din naman sinasamba sya, ni wala kahit isa ang gustong kumalaban sa kanya."
Napansin ko ngang lahat ng estudyante dito wala ng ibang bukam bibig kundi ang babaeng yon. . Kong gaano raw kaganda, kong gaano ka sexy at kong gaano ka mesteryoso ang isang yon. Nag aral lang ba sila dito para sa babaing yon ?! Tch !.
Second day ko na ngayon dito, naging maayos naman ang first day ko kahapon, okay naman yong mga kaklase ko kahit halos lahat ng mga babae don pagandahan at paartehan lang ang alam, yong mga lalaki naman sobrang gulo.
"Ano nga pala next subject mo?"
"Kay Mr. Reyes ?"
Nagpapahatid lang kasi ako kay Abbe.
Biglang nanglaki ang mga mata niya."O ano na namang ka OA han yan aber ."
"Kaklase mo sya Sammy !" exaggerated pang saad nito.
Kong di ko pa to kaibigan kanina ko pa to sinapak eh, sobrang OA naman kasi.
"So ? Ano naman ngayon kong kaklase ko sya ?"
"I have this feeling kasi na may mangyayari----
"Manghuhula ka na pala ngayon ?"
"Sammy naman, makinig ka nga muna sa akin."sinamaan nya ako ng tingin.
Tumahimik naman ako at nakinig nga sa kanya.