Samantha's Pov
"Sino nga ulit yong susundo sayo anak ?" tanong ni mama sakin .
Mag aalas singko na ng umaga.
"Si Queen ho ." tugon ko dito.
"Yong anak ng tita pia mo?"
"Opo ."
"Mabuti naman at naging magkaibigan na kayo anak ." nakangiting saad nito.
Magkaibigan ? Nah . . Parang hindi naman .
"Ai sos friend, hindi nga kayo magkaibigan , kasi nga higit pa don ang mayroon kayo. . Ayeaahh !"
Lihim na napairap ako sa naiisip .
"Hindi naman po kami masyadong close ma, nagkakausap lang kami kasi nga magkaklase kaming dalawa."
"E bakit sya ang sundo mo ngayon ?" Mapanuksong ngumiti ito sa akin.
"Ewan ko sa kanya ! Trip nya lang ata eh ." Hindi ko nalang pinansin ang mga ngiting yon ni mama.
Hindi na ito nagsalita ngunit nandon pa rin yong mapanuksong ngiti sakin ni mama , kaya di ko na mapigilang mag react.
"Mama naman eh !" napapadyak na lang ako.
Ngunit tinawanan lang ako nito. . Kaya hindi ko tuloy mapigilang mamula sa harapan nito.
"Hala ! Pulang pula ka na anak ." tinuro pa nito ang mukha ko.
"Mama ." napanguso nalang ako dito.
Magsasalita pa sana ito ng makarinig kami ng busina sa labas . . Nagkatinginan pa kaming dalawa .
"Andyan na ata yong sundo mo anak ." Hindi na nawala wala ang ngiti nito.
Kinuha ko na ang bag ko at humalik muna sa mga pisngi ni mama bago lumabas .
"Alis na ho ako Ma ." paalam ko dito.
"Ingat kayo don hah ! Wag masyadong mapusok nak ." nginisihan pa ako ni mama.
"Mama talaga !" tinawanan ko na lang sya .
Dali dali naman akong lumabas ng bahay, kasi nga hindi parin tumigil sa pagbubusina ang reyna . . Nambubulabog pa ang loka.
Pumasok naman agad ako sa kotse nito. . At isang nakasimangot na mukha ng reyna ang bumungad sa akin.
"What took you so long?"
Wow hah ! Akala mo naman ilang taon syang naghintay . . Eh . . Iilang minuto lang naman yon.
Tinaasaan ko sya ng kilay. "Nagpaalam pa ako kay Mama . . At bakit ba magkasalubong na naman yang kilay mo ? Nagta tantrums ka na naman ? Kay aga ah ." mataray kong saad dito . .
Haiistt ! Akala nya madadala ako sa mga ganyan ganyan nya . . Tch! Hindi na ngayon noh !
Tinitigan ko sya, mata sa mata . . At ganon na lang ang tuwa ko ng sya na mismo ang unang bumitaw sa tinginan naming dalawa. . . Lihim akong natawa .
"Victory is ours ! Wahaha ."
Napalunok muna ito bago nagsalita. "Ahmm . . Ano kasi . . . Ma. . . Masama lang yong gising ko ." pinaandar na nito ang kotse.
"Bakit naman ?" tanong ko nalang, nakatingin pa rin ako sa kanya.
Medyo hesitant pa ito nong una subalit nagsalita narin ito sa huli. "I didn't have a good sleep last night kasi, halos mag a-alas dose na ng hating gabi ako dinalaw ng antok ." she paused.