Samantha's PoV
"Queen ako na." agaw ko sana sa hawak nitong hipon. . Kanina pa kasi niya ako pinaghihimay habang kumakain kami.
Kaya kanina pa rin takang taka si Jordan na nakatingin sa amin. . Sya nalang kasi ata ang walang alam sa relasyon namin ni Queen.
"No Sammy . . Let me." nginitian nya lang ako.
Gusto ko rin naman ang ginagawa nya kaya hinayaan ko nalang sya. . Bahala na si Jordan kong anong iisipin nya, asar naman ako sa kanya eh . .
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng may biglang lumapit sa table namin. . Apat sila, two girls and two boys.
"Hey Jordan bro." saad nong isang maputing lalaki.
"Hey Paolo pare, nandito na pala kayo. . Come on guys join us." yaya nito sa mga bagong dumating.
Nagsiupuan naman agad yong apat. . Kami naman ay nagkatinginan na lang.
"Ahm guys. . I invited here my friends pala, I hope you don't mind." nakangiting saad nito.
"No pare . . Ayos lang naman sa amin iyon. And besides, this is your resort, you can invite whoever you want di ba ?" sagot ni David.
Isa Isa namang nagpakilala sa amin silang apat. . At sa totoo lang, ayaw ko don sa dalawang babaeng kasama nila, ang aarte kasi kong magsalita.
"Gusto mo pa ba ng rice ?" tanong ni Queen.
"Hindi na Queen. . Busog na busog na ako eh." I smile at her.
"So you are Queen." biglang singit naman nong isang babae, Chelsea ata ang pangalan nya.
"Yes . . Problem ?" tinaasan lang nya ng kilay ito.
Hinawakan ko sya sa kamay. . Magtataray na naman ata ito ngayon.
"Nothing. . Madalas ka kasing ikwento sa amin ni Jordan eh." nagpatuloy na lang ito sa pagkain.
"Oo nga. . At ang ganda mo pala talaga sa personal noh, Kaya pala baliw na baliw sayo tong si pareng Jordan eh." sabat naman nong isang, tsinito na kasama nila.
"Alam nyo, sobrang bagay nyong dalawa, kayo na ba ulit ?" parang wala lang na tanong nong isang babae.
"Sofie no, hindi pa ulit kami." sagot ni Jordan.
Hindi pa ulit ? So . . Umaasa parin syang magkakabalikan pa rin silang dalawa ? No way ! Hanggat nandito ako.
"Ay sos. . Ang hina mo naman pare." natatawa pang saad nong maputing lalaki.
"Jhon stop it. . Pwede bang kumain nalang muna kayo." si Jordan.
"No Jordan, thats why we are here diba ? Gusto lang naman namin makilala yong girlfriend mo ?" si Sofie na nakatingin kay Queen.
Alam kong bitch ito, unang tingin ko palang kanina. .
"Ex." maikling singit naman ni Queen.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay nito. . Nagkatinginan naman kami nina Dann at Abbe, ganon din kina David at Jacob.
"Oh. . Sabi kasi sa amin ni Jordan, hindi naman kayo naghiwalay noong umalis sya, so----
"Sofie stop it !" awat ni Jordan.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Queen, Kaya napatingin agad ako dito.
"Pinutol ko na ang relasyon namin,simula nong umalis sya ng walang paalam sa akin, Miss Whoever you are, kong gusto mo talagang malaman, then why don't you ask Jordan, at ng hindi ka parang tangang dada ng dada dyan." taas kilay na saad nya dito.