Samantha's PoV
"Yong mama mo pala nasaan ?" tanong ni Queen.
Nandito na kami ngayon sa kwarto ko, magkatabi habang nakahiga sa kama ko.
"Nagpunta sa bahay ng tita ko, na kapatid nya. . Bukas pa yon uuwi. "
Naramdaman ko ang paggalaw nito, tumagilid ito humarap sa akin kaya tumingin ako dito.
Namumungay na ang mga mata nito at medyo mapula na rin ang mukha nito. . Sabi nya tipsy lang daw sya.
"It's funny kasi, second time ko ng makapunta dito pero hindi ko parin nakikilala yong mama mo."
"Wrong timing ka naman kasi, kapag nandito ka wala naman si Mama, siguro hindi pa time para makilala mo sya."
"Nakita ko na yang mama mo sa malayo eh, and i think she looks so familiar to me, hindi ko lang talaga matandaan."
Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. . Napatitig ako sa mga mata ni Queen.
Nagkatitigan pa kaming dalawa ng ilang sandali bago nagsalita ulit ito.
"By the way Samantha matanong nga kita."
Mas lalo tuloy bumilis sa pagtibok ang puso ko sa kaba.
Gosh ! Ito na ba ? Magtatanong na ba sya-------
"Nakapunta na ba dito si Saavedra ?"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa naging tanong nito, naramdaman ko pa ang pagtulo ng isang butil na pawis sa noo ko eh.
Shocks ! Akala ko ano na.
"Oo naman, hinatid nya kasi ako once, nong hindi ko dala yong motor ko sa school." honest na sagot ko dito.
Bigla na lang itong napasimangot.
"Tch ! Wag mo sabihing naipakilala mo na rin sya sa mama mo ?" magkasalubong na po ngayon ang kilay ng reyna.
"Oo ?" nagdadalawang isip kong sagot.
Alam ko kasing hindi nito magugustuhan ang magiging sagot ko.
"Putang ina !" malutong na mura nito.
"Hoy !" pinanlakihan ko sya ng mga mata.
"Mas nauna mo pa syang ipakilala sa mama mo kesa sa akin ?" tila hindi pa makapaniwala ito.
Bumangon ito sa pagkakahiga at umupo sa kama, habang masamang nakatingin sa akin.
Gusto ko mang matawa ay hindi ko nalang ginawa, kasi nga baka bugahan na ako nito ng apoy.
"Eh ano naman ngayon ? Saktong nandito si Mama sa bahay ng ihatid ako ni David eh, alangan namang hindi ko sya ipakilala ?"
Huminga pa ito ng malalim ng ilang beses, bago ulit nagsalita.
"Ano namang sabi ng mama mo tungkol kay David."
Napangiti na lang ako sa tanong nito. . Alam kong nagseselos lang tong Reyna nato eh. . .
"Pagselosin mo pa friend, ang cute eh."
Pagselosin ko nga. "Syempre nagustuhan naman sya ni Mama, ano pa nga ba daw yong hahanapin ko kay David, eh nasa kanya na daw lahat, gwapo, maputi, matangkad, bunos na yong pagka mayaman niya, mabait, magalang, tsaka-----
"Gusto mo ba sya ?" mahinang tanong nito, hindi na ito nakatingin sa akin.
"Hala friend. . Iiyak na ! Lagot ka !"
Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya, pero naging mailap ito.
Alam kong bad timing ngayon kiligin, pero Tang ina, kinikilig ako. .