Chapter 14

8.7K 273 25
                                    

Samantha's POV

"Sam anak andyan na yong sundo mo." narinig kong tawag sakin ni Mama. . Agad agad naman akong bumaba.

"Opo." tugon ko dito, ng makarating na sa sala ay hinalikan ko muna sya sa pisngi.

"Alis na po ako Ma. ."

"Mag iingat kayo don hah, wag masyadong uminom. ." paalala nito.

"Opo Ma . . Tsaka hindi naman po ako iinom eh." nginitian ko sya.

"O sya, lumakad ka na, baka mainip nayong manliligaw mo Doon sa labas." tukso pa nito.

"Maaa . . . Kaibigan ko lang po si David."

Pero tinawanan lang ako nito.

"Alis na po ako." paalam ko rito at lumabas na ng bahay. . . Nakita ko kaagad si David na nakatayo sa tabi ng pulang kotse nya.

"Good Evening Sammy ." gwapong nakangiti ito sa akin.

"Evening David." nginitian ko rin sya. . Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Pumasok naman agad ako.

"Seatbelt Sammy. ." sya pa ang nagkabit nito sa akin, kaya hindi maiwasang magkalapit kami. Mabango sya in fairness, sobrang manly ng amoy nya . . Pero hindi tulad ng amoy ni Queen. . Hindi kami bati oo, pero gustong gusto ko yong amoy nya. . Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngayong sobrang lapit sakin ni David, hinihintay ko kong titibok ba ng sobrang bilis ang puso ko, Kong may  mararamdaman ba ako ng tulad nararamdaman ko kapag andyan si Queen. . Pero wala ehh, wala talaga. .

"So ano ang ibig mong sabihin dyan Sammy ? Tch ! Tandaan mo hindi kayo bati ni Queen."

Hindi ko namalayang nasa driver seat na pala si David at pinaandar na nito ang kotse. . Tahimik lang naman ang byahe,walang nagsasalita. .

Pupunta kaya sya ? All of a sudden ay biglang naisip ko.

"Bat mo naman yan natanong aber?"

Wala lang. . Gusto ko lang malaman.

"Ai sos. . Hala ka mare may kasalanan ka kay Queen, kong natatandaan mo pa yong kanina?"

Napabuntong hininga ako ng maalala ang ginawa ko kanina. . Alam kong lalong iinit ang mga mata sakin ng mga studyante don sa University sa ginawa ko kanina. . Mainit na nga ang mga mata nila sakin dahil kay David, na hindi ko alam kong bakit laging nakabuntot sa akin, at mas lalo pang nadagdagan yon dahil sa ginawa ko kay Queen.

Naiinis kasi ako dahil pinagtawanan nya ako ehh. .

"At sure ka bang ikaw ang pinagtatawanan nya ?"

Oo naman . . Kasi sakin sya nakatingin ?

"Nag text sakin si Abbe, andon na raw sila ni Dann." napalingon ako kay David ng bigla itong nagsalita.

"Nandoon din kaya si Queen?"hindi ko alam na naisatinig ko pala yon.

"I don't know, hindi naman sinabi ni Abbe eh." sagot nito.

Tumahimik na lang ako. . Ilang sandali pa ay hininto na ni David ang kotse, nauna itong lumabas at pagkatapos pinagbuksan pa nya ako ng pintuan. . Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad ang pangalan ng bar. . D. Saavedra. .ang nakalagay don. . Napatingin ako kay David.

"Sa kuya ko to, sa akin lang ipinangalan."Saad ni David. . Napatango tango na lang ako, nag aya na itong pumasok, nauna itong lumakad sakin, nakasunod lang ako.

Sobrang lakas ng music ang bumungad samin pagkapasok pa lang namin, sobrang dami ng taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor, first time ko pang nakapasok sa isang bar kaya naninibago pa ako, Hinawakan pa ako ni David sa kamay para siguro hindi ako malayo sa kanya, ang dami kasi talagang tao. .

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon