Samantha's POVLadies drink na nga lang tong iniinom ko pero ramdam kong nalalasing na ako. . .Tch! Kong sabagay naka tatlong bote na pala ako. .
"Nasaan si Dannica ?" tanong ko kina Abbe at David.
"Lumabash, may tumawag sha kanya. ."si Abbe na halatang lasing na rin.
Feeling ko mas lalo pa akong nahihilo dahil sa ilaw dito sa loob.
"Sammy ! Lagot ka sa mama mo uii ! Bat ka ba kasi naglasing ?"
Hindi ako naglasing noh. . Sadyang masarap lang talaga yong ladies drink na iniinom ko kaya naparami.
"Yow guys . . Look who's here !"bigla na lang nagsalita si Dann out of nowhere kaya napatingin kami dito.
Shit ! Bat nandito si Queen ?! Haiisst ! Lasing na nga talaga ako. . Hehe . . I'm imagining things na kasi ehh . . Hehe.
"Gaga ! Hindi ka nag i-imagine Sammy . . Talagang si Queen yan !"
Gulat na gulat ako ng umupo ito sa tabi ko, pinausod pa ito ni Dann kaya halos magkadikit na ang mga balat namin. Napatingin ako dito.
Sobrang ganda nya talaga. Perpekto na sana ito sa paningin ko ngunit sumablay lang talaga sya sa ugali.
Iaalis ko na sana ang paningin ko sa kanya pero huli na, she caught me staring at her, and she did the same, tinitigan din nya ako.At ramdam kong tila nauubusan na ako ng hangin sa klase ng tinging binibigay nya, Damn !. Mabuti na lang may sinabi sa kanya si Dann, kaya lumingon sya dito, binuntong ko naman sa iba ang atensyon ko.
And I can see in my peripheral vision na sunod sunod nitong ininom ang basong nilagyan ni Dann ng alak, Kaya napatingin ulit ako rito, ganoon din naman sina Abbe.
"What ?"nagtatakang tanong nito.
Nagkatinginan lang kaming lahat at nagtawanan. . Ako naman ito, pangiti-ngiti lang.
"Masaya ka kasi nandito si Queen. . . Ayiehh ."
Okay, sasabihin kong masaya nga ako ngayon. . Masaya ako pero hindi ko alam kong bakit.
"Sos. . . Sammy. . Masaya ka kasi nga nandito si Queen. . Yon yon !"
Di ba galit ako sa kanya ? Dapat galit ako ngayon kasi nandito sya ? Pero bat ganoon ? Nakita ko lang sya ramdam kong masaya na ako. . Tch ! Epekto siguro to ng alak.
"Hoy bessy, bat ka tulaley dyan ?!" nagitla pa ako ng biglang ilapit ni Abbe ang mukha nya sa akin, nasandal tuloy ako sa upuan. . Nakita kong nakatayo na sila, pwera sa aming dalawa ni Queen.
"Huh ?"
"Sabi ko sumayaw na tayo, ang ganda ng music Bess."sumayaw-sayaw pa ito.
Tiningnan ko si Queen, ngunit tahimik lang itong umiinom.
"Ahhm. . . Si-sige mauna na kayo, susunod ako mamaya."nginitian ko sila.
"Bessy naman ehh ! Halika na nga, sasayaw tayo. ."hinila ako patayo ni Abbe, ngunit agad naman itong pinigilan ni Dann. .
"Wag mo na nga syang pilitin bakla." napaupo ako ulit. ."Tayo na lang tatlo ang sumayaw. . Let's go!" hinila ni Dann si Abbe at David . . Nakita ko pang kumindat pa ito kay Queen bago tuluyang nagpunta sa dance floor.
At katahimikan. . . Nakakabaliw mang sabihin dahil nasa bar nga kami ngunit katahimikan lang talaga ang naririnig ko, aside from my loud heart beats. Ang awkward isipin na kami lang dalawa ang narito, magkatabi sa upuan