Samantha's POV"Samantha !" narinig kong may tumatawag sa akin, kaya binilisan ko pa lalo ang paglalakad.
Alam kong si David na naman to, at mangungulit na namang makipag lunch sakin. Nong una ayos lang naman sa akin eh, pero nong halos araw-arawin na nya, don na ako nainis sa kanya. . . Ang sama na rin ng tingin sa akin ng mga kababaihan dito sa school. . Tch! . Siguro mga fans yon ni David.
"Sammy wait !" Hinawakan nya ako sa kamay dahilan para huminto ako sa paglalakad. Di ko tuloy mapigilang irapan sya at sinamaan ng tingin.
"Oh relax lang Sam ." natatawang tinaas pa nito ang dalawang kamay. Hindi ko rin alam kong bakit wala talaga ako sa mood ngayon eh, nong lunes pa ito eh, Miyerkules na ngayon, so dalawang araw na pala akong nagsusungit.
"Aii sos Sammy naman, gumaganyan ka lang naman kasi simula pa nong Monday hindi mo pa nakikita ang Reyna !! Wahahaha !"
And speaking of the Queen, Saan Kaya nagsususuot yon, dalawang araw ko na kasi syang hindi nakikita.
"Uii . . Nami-miss nya . . Ayeahh !"
Hindi ko tuloy maiwasang umirap ulit. "Why are you so grumpy Sammy, may problema ka ba ?"
Isa rin tong unggoy na to eh . . Sobrang kulit. . Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Ano bang kailangan mo sa akin David ?" tiningnan ko sya sa mata.
"Ahhmm. . Gu-gusto ko lang namang samahan kang mag lunch ."
"May kasama na ako, si Abbe, naghihintay na sya sakin don sa cafeteria."
Ngumiti lang ito. "Pwede namang sabay tayong tatlo di ba ?"
"Tch ! Bahala ka nga !" wala na akong ibang nagawa kundi ang pabayaan sya. . Nauna na akong naglakad sa kanya.
"Hey Rivera !" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon. .
"Ayeahh ! Wala namang ibang tumatawag sayo sa apelyido mo kundi ang Reyna lang. . Ayeahh ! Masaya na sya !"
Humugot muna ako ng isang napakalalim na hininga bago ako humarap sa kanya. . And there she is wearing her infamous cold stare. . Talo pa ata nito ang North Pole sa sobrang lamig.
Nagtama ang mga Mata namin. . Di ko alam, pero tila nakaramdam ako ng kaginhawaan ng makita ko na sya ngayon . . Shit ! Sya nga siguro talaga ang dahilan kong bakit wala ako sa mood nitong mga nagdaang araw.
"At bakit ganyan Sammy ?"
Tch ! Hindi ko rin alam ! Haiisst!
"Pwede ba kitang makausap Rivera ?" si Queen.
"Mamaya na lang yan Queen, kakain pa kasi kami ni Sammy ehh ." si David ang nagsalita.
"I am not talking to you Saavedra !" malamig na saad nito pero sa akin pa rin nakatingin.
"Hala Sammy. . Baka may nagawa kang hindi maganda sa Reyna,kaya gusto kang makausap ."
Haiisst ! Sya kaya tong may kasalanan sa akin noh .
"Rivera wag ka nga munang makipag away dyan sa sarili mo, we are running out of time, malapit ng matapos ang lunch break . . We just need to talk. . Alone ." tinapunan niya ng tingin si David pero binalik din naman agad nito sakin ang paningin, na tila ba sinasabi nitong hindi ako pwedeng tumanggi. .
"Ahhmm. . David mauna ka na lang sa cafeteria, sabihin mo na lang kay Abbe na hindi ako makakasabay sa inyo." Saad ko dito .
Pero hindi naman tuminag si David, nakatingin lang ito sa akin. . Narinig kong may sinabi si Queen, pero hindi ko iyon maintindihan kasi nga ibang lenggwahe, tila inip na inip na rin ito.