Samantha's PoV
"Sana all lahat." nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Abbe mula sa likuran ko.
"Bakla naman. . Papatayin mo ba ako sa nyerbyos ?" sinamaan ko sya ng tingin.
Umupo naman agad ito sa harapan ko.
"Ang oa nito. . Tch ! Tas hindi ka kaagad mamamatay nyan Bess. . Mamahalin ka pa ni Queen eh." nakangiting saad nito.
Napangiti naman ako sa narinig.
"Yan nga ba yong sinasabi ko eh, marinig lang yong pangalan ng Isa, naghuhugis puso na yang mga mata mo, super inlab lang talaga teh ?"
Tinawanan ko lang sya. . Haisst . . Simula kasi nong sinurprise nya ako naging mas matindi pa yong nararamdaman ko sa kanya, feeling ko kasi nong mga time na yon, Isa akong prinsesa, feeling ko ang ganda ganda ko talaga. . Ayeah !
"Hoy Samantha Marie ! Kalma lang Bess, kontrolin mo yang kilig mo uy !" natatawang saad nito.
Nahampas ko pa tuloy sya sa balikat. . "Eh bakit ba ? Masamang kiligin ?" taas kilay na tanong ko dito.
"Hindi naman. . Pero Bessy matanong kulang. . Kailan nyo ba balak mag out ?"
Natameme naman ako sa tanong nito. . Mag iisang buwan na ang relasyon naming dalawa, pero heto patago pa rin kami. . At syempre naiintindihan ko naman yon. . Kasi alam kong may reputasyon at pangalang inaalagaan si Queen dito sa school, at ayaw kong masira yon nang dahil sa akin.
"Alam mo naman kong anong dahilan di ba ?" sagot ko nalang dito.
Napabuntong hininga nalang ito. . "Tch ! Ang hirap ng sitwasyon nyo Bessy, Haisst ! Yong tipong gustong gusto nyong ipagsigawan sa buong school na kayong dalawa, ngunit hinahadlangan naman kayo ng mundo. . Tch ! Ang hirap di ba ?"
Tumango lang ako dito. . "Okay lang Bess. . Siguro darating din ang oras para maipagsigawan naming dalawa sa world, rather the universe, na kaming dalawa, na sa akin na sya, at sa kanya ako. . At siguro, hindi pa ngayon ang time, kaya tiis tiis muna." nginitian ko lang sya.
Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako. . "I'm proud of you bessy. . Atapang atao mo kasi." bumalik na ito sa harapan."Biruin mo sa lahat ba namang studyanting maiinlove sayo dito, si Queen pa talaga hah."
Natawa ulit ako. . Ako nga rin eh, hindi rin makapaniwala. .
"And speaking of Queen. . Asan ba sya ngayon Bess ?"
"Tumawag sya sa akin kanina, hindi daw sya makakapasok, may importante daw syang aasikasuhin."
"Ano daw ?"
"Ewan ko. . Hindi ko na sya tinanong, baka sabihin pa non na tsismosa ako noh."
"Ay gagi. . Syempre Bessy gerlpren mo yon, obligado syang sagutin lahat ng tanong mo."
"Haisst. . Wag na kasi ikaw tsismosa Abbe, importante nga diba ?"
"Tch ! Ewan ko sayo. . Ay ! Maiba nga tayo Bess. . Friday ngayon, so pwede tayong pumunta ng bar ?" Ang laki ng ngiti nito sa akin.
Friday naman ngayon. . So pwede naman.
Sasagot na sana ako sa kanya ng biglang nag vibrate yong phone ko.
Tiningnan ko kaagad yon, may text galing kay Queen.
"Tulog ka ng maaga ngayon love, sunduin kita bukas mga 4 am, may pupuntahan tayo 😁. . Geh ! Bye love. . Mish you and lab you 😘😘 ."
Napangiti naman ako sa nabasa.
"Oh ano na Bessy ?"
Pinakita ko naman sa kanya ang text ni Queen. "Sorry bakla. . May plano ang reyna bukas eh."