Chapter 9

8.9K 290 14
                                    

Samantha's POV

"Sakay na Mahal na Reyna ." huminto ako sa harapan ni Queen habang nakasakay sa motor ko.

Pero kunot noong tiningnan lang ako nito. Bakit ko ba kasi naisipang tulungan pa ang bruhang to ? Hindi ko naman dapat sya tutulungan, pero Ewan ko ba, hindi ko naman magawang hindi sya pansinin.

"Ano na namang klaseng tingin yan ?" pinaningkitan ko sya ng mata.

"Dyan mo ako papasakayin ?"taas kilay na tanong nito.

"As if naman may choice ka diba? Tsaka wag ka ng mag inarte Queen, it's either sasakay ka sa motor ko o maglalakad ka pauwi sa inyo kasi nga hindi ka naman marunong mag commute."

Tinitigan lang ako nito. "Nagmamagandang loob lang naman ako sayo, pero kong ayaw mong sumakay okay lang wala namang mawawala sakin eh." yon lang at binuhay na ang makina ng motor ko.

Pinaandar ko na ang motor, narinig ko pa ang malutong na pagmura nito kaya natawa na lang ako.

"Fine! Fine Rivera !" bakas sa boses nito ang pagkairita .

Wow hah. Sya na nga tong tinutulungan sya pa tong galit ?

Hininto ko naman agad ang motor. Pigil ang ngiting nilingon ko sya, at hindi na maipinta ang mukha ng reyna . Haha ! Sa isip nalang ako tumatawa dahil baka mag beast mode na tong Isa.

"O ano pang hinihintay mo dyan ? Lapit na dito ." utos ko sa kanya.

"How dare you------

"Oops wag kang magalit, tinutulungan lang kita ."putol ko sa sasabihin pa sana nito.

"Fuck !"pabulong na mura nito ngunit dinig na dinig ko naman.

"Ano na?" naiinip na rin ako ha .

Binigyan muna nya ako ng matalim na tingin bago naglakad na patungo sa akin. Padabog pa itong umangkas sa motor, Kaya muntikan na kaming matumba.

"Ganyan ka ba umangkas ng motor ? Tsaka ang bigat mo pala ." Nilingon ko sya, medyo malayo ito sa akin and as usual sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Umusog ka nga ."utos ko rito, pero hindi nito ginawa kaya pinaandar ko ang motor na ikinagulat niya kaya agad itong napakapit sa akin.

"Holy shit Rivera ! Are you trying to kill me !" exaggerated na saad nito.

Ang kanina ko pang pinipigilang tawa ay bigla na lang kumawala.

"Kill agad ? Wag ka ngang OA dyan." Tinawanan ko pa sya lalo.

"Wag ka ngang tumawa Rivera, and for your information hindi ako OA, nabigla lang talaga ako no, tsaka first time ko kayang sumakay ng motor ."

Ito na siguro ang pinakamahabang sinabi nya sa akin ng hindi nakasinghal, pero I'm sure masama na naman ang tingin nito sakin ngayon, nararamdaman ko kasi kahit nakatalikod ako sa kanya.

"Oo na Mahal na Reyna, kumapit ka ng mabuti sakin at ng hindi ka mahulog sa daan ." utos ko dito.

At bigla na lang nanigas ang katawan ko, when she suddenly wrap her both hands around my waist. What the heck ! .

"Ganito ba ?" mahinang bulong nito sakin.

Aarrghh ! Ano bang ginagawa ng bruhang to ? Okay Sammy calm yourself, breath in,breath out .

"Ano na Rivera ?" tila ito naman ang naiinip.

Tumikhim muna ako bago pinaandar  ang motor, binalewala ko na lang na may isang reynang nakapulupot ang   mga braso sa akin.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon