Samantha Marie

20.2K 379 41
                                    

"Magandang umaga sa pinaka magandang Nanay ko sa buong Mundo . ." yumakap sya sa kanyang ina .

" Ay sus nambula pa . ." kinurot pa nito ang pisngi ng anak .

"Bakit ? Totoo naman ahh ." umupo na sya sa harapan ng lamesa .


Tinawanan lang sya ng ina .

"Kumusta naman yong mga requirements mo sa bago mong school na papasukan anak ? Okay na ba?" .

"Okay na po Ma, na i pasa ko na po lahat ."

"Mabuti naman at malapit lang yong school dito sa bahay, di ka na mahihirapang mag commute."

"Masyado naman pong Mahal Ma, okay naman don sa dati kong school eh ."

"Samantha anak, gusto kong don ka sa school na yon makapag graduate, tsaka di ba pangarap mong doon mag aral ?"

"Mama . . Opo pangarap kong doon makapag tapos pero naman kasi masyado pong -------

"Hep ! Stop na wag mo ng alalahanin ang gastusin sa school, may naipon na akong sapat na pera para sa pag aaral mo, medyo na delay nga lang last year, pero ngayon okay na ang lahat, pagbutihin mo lang yang pag aaral mo anak.!"

"Opo naman Mama, ako pa ba ? Good girl ata to ."

Nagpatuloy na sila sa pagkain .

"Ay oo nga pala Mama, matanong ko lang, kumusta na po si tita pea .?"

"Ayon malungkot pa rin, inaway na naman kasi sya ng anak niya . . Sinabi ko nga sa kanyang dito nalang sya tumira eh, siya naman tong ayaw . . Di niya kasi maiwan iwan Yong anak niyang wala ng ibang ginawa kundi ang pasakitan sya ."

"Hindi ba alam ng anak niya Yong salitang move on Mama ? Tch ! Super tagal na nong nangyare di pa rin sya naka get over doon?"

"Kaya nga . . Pero anak, hindi natin Alam kong anong nararamdaman nong anak ng tita pea mo, siguro sobra lang talaga siyang nasaktan ." kibit balikat na saad ng ina niya.

"Up to now Ma ? Grabe naman ."

Kahit kailan hindi pa niya nakikita ang anak ng Tita Pea niya . . Matalik na magkaibigan ang ina niya at ang tita pea niya. Matalik na magkaibigan nga lang ba ? . Sobrang close nga kasi nilang dalawa eh . . Pero wala lang yon sa akin ahh, di naman ako kontra sa mga ganong relasyon. . Kong saan masaya ang Mama ko don ako.

"Don din yon nag-aaral anak ."

"Oo nga po Ma, sana makita ko agad sya don at ng mabatukan ko kahit Isa lang ."biro ko .

Tumawa ang kanyang ina . "Anak baka nakakalimutan mong siya ang may-ari ng school ."

Tumawa na rin ako . "Joke lang Ma, baka ako naman pagbuntungan non, masama pa naman daw ugali non."

Marami kasi syang naririnig na usapan na sobrang sama daw ng ugali ng babaing yon . . Halos lahat ng estudyante don ilag sa kanya .

"Then good luck sayo Anak ." sabi ng kanyang ina .

"Good luck talaga ."








____________

Cool Sammy 😁😁

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon