Chapter 30

7.8K 218 19
                                    

Queen's PoV

"Remojiin ? Wala ka talagang balak sabihin sa akin kong saan kayo nagpunta ni Sammy noong isang gabi ?"

Tiningnan ko ng masama si Dannica.
Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa bruhang to eh, ang kulit sobra.

"Hindi ka talaga mapakali noh, kapag hindi mo alam ang lahat ." tinaasan ko sya ng kilay.

Nandito kaming lahat sa cafeteria ng school, kakain na kami ng lunch, sina Samantha at Abbe na lang ang hinihihtay namin. . And by the way kasama din namin si Jordan.

"Syempre naman kaibigan . . Tsaka nag aalala lang naman ako kay Sammy eh, syempre lasing na lasing yon kagabi eh, at gusto ko lang na-----

"Just shut up Dannica ! Tch ! Pinapairal mo na naman yang pagka tsismosa mo."

"Ay grabe sya . . Tsismosa talaga kaibigan ?"

"Bakit ? Tsismosa ka naman talaga ah."

Magsasalita pa sana ang bruha ng biglang dumating na ang dalawa.

"Hey guys. . Kanina pa kayo dito ?" Nakangiting tanong ni Abbe.

Hindi ko naman sya pinansin dahil nakay Samantha lang ang atensyon ko. . And I automatically smile at her ng tumingin sya sa akin.

"Ay ang tamis." Narinig kong nagsalita si Dann . . Kaya tiningnan ko ulit sya ng masama .

Tch ! Panira talaga ng moment tong baliw na to.

"Ang tamis ng candy na kinain ko kanina." natatawa pa ito. "Kaibigan naman, bakit ang sama agad ng tingin mo sa akin ?" ang laki pa ng ngiti nito sa akin.

"Bakit ? May sinabi ba ako ?" taas kilay na sagot ko dito.

Nakita kong uupo na sana si Sammy sa tabi ni David, kaya pinigilan ko agad ito.

"Come here Samantha. . Dito kana umupo." ti nap ko pa ang bakanting upuan na nasa tabi ko.

Haaiisst ! Bakit naman kay Saavedra sya tatabi ? Di ba dapat sa akin ? Dahil sa akin lang sya ! Tch !

"Napaka possessive talaga." side comment pa ni Dann. . Pero hindi ko na ito pinansin.

Nag aalangan pa itong lumapit sa akin . . Nang makalapit na ito sa akin ay pasimple ko syang hinila paupo. . Hinawakan ko kaagad ang kamay nya na nasa ilalim ng misa.

Nagtatanong ang mga mata nitong napatingin sa akin. . Nginitian ko lang naman sya.

Pasimple akong lumapit sa kanya at may binulong dito.

"From now on, sa akin kalang tatabi, hindi kay David, hindi sa kong sino mang lalaki, kundi sa akin lang, selfish mang sabihin, pero sa akin kalang hah. . Sa akin lang." Yong lang at bahagya na akong lumayo dito.

At gusto ko nalang matawa sa naging reaksyon nito. . Pulang pula kasi ang mukha nito, at tila hiyang hiya pa ito sa narinig.

"Let's eat na guys." Yaya ni Jacob.

Labag man sa loob pero kailangan kong bitawan ang kamay ni Sammy para makakain ito ng maayos. .

Kumain lang naman kami, minsan nag uusap ng kung ano ano. .

Aaminin ko na ngayon lang ako kumain ng maraming kasabay, madalas kasi kami lang dalawa ni Dann, kong hindi man sa loob ng private room ko dito sa school ay doon kami kumakain sa labas. . Nitong mga nakaraang araw lang ako kumakain dito sa school cafeteria, at sa tingin ko masasanay na ako na dito kumain eh. . Tch !

"Uhm guy's ! Invite ko lang sana kayo this Saturday. . Birthday ng mom ko, invite ko raw kasi mga magiging kakilala ko dito ehh. . Punta kayo hah." magiliw na saad ni Jordan.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon