Chapter 28

7.9K 264 83
                                    

Samantha's POV

"Hoy bessy asan na daw sila ?" tanong sakin ni Abbe.

Nandito kami sa basketball gym ng school, naghihintay kaming dalawa ni Abbe kina Queen at Dann. Manonood kasi kami ng training nina  David at Jacob. Kasali na rin kasi si Jacob sa basketball team ng school.

"Ang aga aga naman kasi natin dito Abbe eh."

"Eh ano namang gagawin natin ? Wala na tayong klase, kaya mas mabuti ng dito na lang tayo."

Sa aga naming dalawa ay nauna pa nga kaming nagpunta dito kesa kina David at Jacob.

Kaya kami nandito ngayon kasi may usapan kaming mag bar mamayang gabi,mag aalas singko na ngayon kaya deritso nalang kami siguro mamaya.

Napatingin ako kay Abbe ng bigla nalang itong tumili.

"Ang yummy talaga ng mga papa dito ." tila kinikilig pa ito.

Napatingin naman ako sa tinitingnan nito. . Kaya pala napatili tong baklang kasama ko eh, kasi nagsimula ng mag ensayo ang ilang myembro ng basketball team na nandito ngayon habang walang mga damit pang itaas.

Tch! Kaya pala atat na atat to kanina. . Baliw talaga . . Ang landi !

Biglang nag ring ang phone ko.

My Queen calling. . .

Awtomatikong napangiti ako.
Oh. . . Hindi ako ang naglagay nyan hah ! Si Queen ang naglagay nyan, wag kayong ano.

"Hello." nakangiting sagot ko.

"Where are you?" saad nito sa kabilang linya.

"Nandito na kami."

"Ang aga nyo naman ata dyan." alam kong nataas na naman ang kilay nito.

"Eh kasi tong si Abbe nagmamadali eh, tsaka kanina pa tapos yong klase namin. Nasaan na ba kayo?" tanong ko.

"Papunta palang kami dyan, kasama na namin sina Philip Jacob at Saavedra."

"Okay." saad ko.

Ilang sandali pa ang dumaan ay namataan na namin silang apat na papasok na sa gym.

"Ay nandito na sila bess."

Dumeritso sina Queen at Dann papunta sa amin habang yong dalawang boys naman ay nagsimula ng maghanda para sa training.

Tumabi agad sakin si Queen habang si Dann naman ay kay Abbe tumabi.

"I miss you." bulong sakin ni Queen, hindi ako halos mapakali sa sobrang lapit nito. .

Diyos ko, maraming tao ang nandito sa loob, tas gaganyan sya ? Landi lang bess.

Tch! Kahit papaano ay marami rami rin naman ang mga studyanting nanonood ngayon kahit pa training lang nila ngayon.

"Queen ano ba?" bahagya ko pang tinulak ang mukha nito.

Sama lang ng tingin ang ginawa nito sakin.

"Ang dami kayang tao, di ka ba natatakot ?"

"Bakit naman ako matatakot sa kanila ? Sino ba sila ? Tch ! Wala akong pakialam sa kanila." umirap pa ito.

Kong sya walang pakialam, pwes ako meron ! Haisst ! Ano nalang ang sasabihin nila tungkol kay Queen, kapag nalaman nila ? Alam ko namang may inaalagaang pangalan si Queen dito. . Ayaw ko namang masira yon ng dahil lang sakin.

Bahagya pa itong lumayo sa akin.
Tch ! Napaka matampuhin talaga ng reyna.

Bumuntong hininga ako at lumapit ng upo sa kanya, pasimple kong hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. . Siguro hindi naman nila nakikita noh ?

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon