Chapter 21

8.5K 251 25
                                    

Queen's PoV

"Lagot talaga ako nito kay Mama ." tila ba hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan.

Ako naman kanina pa naiirita dito kasi yon lang palagi ang lumalabas sa bibig nya . . Ang oa nya naman kasi ehh . . Mag a-alas nuwebe pa lang naman ng gabi .

"Pwede ba pakibilisan mo naman queen !" utos nito sa akin.

And i just rolled my eyes to her . . Reklamo ng reklamo e akala mo naman hindi sya nag enjoy sa dinner kanina . . Hindi ko mapigilang matawa ng mahina . . Naalala ko kasi kong paano sya kumain kanina . . Grabe ang lakas nyang kumain, sya na lang kasi halos umubos ng lahat ng inorder ko . .

"Ano na namang tinatawa-tawa mo dyan !" magkasalubong na ang kilay nito.

"Scary ."

"Wala . . May naalala lang kasi akong nakakatawa ." tumawa ulit ako rito.

Tinitigan nya ako ng masama . "Pakibilisan lang please ."

"Yes madam ." tugon ko na lang.

"Really Queen ? So . . Under na tayo ngayon ? Haha."

Oo nga no ? Ngayon ko pa lang naisip lahat . . Haha . . Bakit ko nga ba ginagawa to ? Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa kanya ? At bakit ba todo effort pa ako kanina para makasama pang syang mag dinner .

Di ba dapat ayaw mo sa kanya Queen ? Kasi nga noon, galit na galit ka sa kanya, tapos asar na asar ka pa . . Pero bakit ngayon ? Kabaliktaran na ang nangyayari ? Kasi ngayon, hindi mo lang sya makita ng isang beses sa isang araw naba-badtrip kana . . Tapos nagagalit ka kapag kasama nya si David, o kahit na sinong lalaki ang lumapit sa kanya nabe-beast mode ka na agad . . So ano na itey Queen ?

"Ano nga ba ?"

Tch ! Siguro gusto mo na sya ?

Whaaat ?! No fucking way ! Because im not a les-------

"Dito na lang Queen, paki hinto na lang ." narinig kong saad ni Sam.

Bigla ko naman hininto ang kotse . . Muntik pa nga itong mapasubsob sa harapan, buti na lang naka seat belt sya.

Isang masamang tingin ang binigay nya sa akin. . Napangiwi naman ako dito . " Im sorry ." hinging paumanhin ko dito.

"Yon oh . . Bilis mag sorry kaibigan ahh . Haha ."

Tinanggal na nya ang seat belt nya. "Ahmm . . Thank you nga pala sa dinner Queen nabusog ako, tsaka sa paghatid na rin  ."

Tinitigan ko lang sya . . Nitong mga nakaraang araw nakasanayan ko na ring titigan ang mukha nya . . Nakaka relax kasi sa pakiramdam ehh .

"Aii wala na, finish na ."

Tumikhim ito . ." Sige Queen ahh, lalabas na ako, hinihintay na kasi ako ni mama eh ." may tinuro sya sa labas.

Napunta naman dito ang mga paningin ko. . May isang babae ngang nakatayo doon, and i think nasa mid 40's na sya, hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya kasi nga medyo malayo . . But i think she looks so familiar .

"Mama mo ?" tanong ko, habang titig na titig dito .

"Oo . . Sige Queen ah, Thank you ulit ." paalam nya.

Tinanguan ko lang sya. . Binuksan agad nya ang pinto at agad na lumabas. Hinintay ko na muna silang makapasok sa bahay nila bago ko pinaandar ang kotse.

At hindi ko pa rin mapigilang isipin kong bakit pamilyar sa akin ang mama ni Samantha .

"Tch ! Saan ko nga ulit sya nakita ?" tanong ko sa sarili.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon