Chapter 26

8.1K 260 17
                                    

Samantha's PoV

Kanina ko pa nararamdaman ang mga matatalim na tingin na binibigay sa akin ni Abbe. Nandito kami sa isang bench ng school nakaupo kami lang dalawa, vacant time kasi namin.

Alam kong may gusto itong sabihin sa akin kanina pa, pero hindi nito masabi-sabi. . Kaya ako na lang ang unang nagsalita.

Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanya.

"Pwede kang magtanong." saad ko.

Siguro yon lang ang hinihintay nya, kasi bigla na lang nya akong tinampal sa balikat.

"Aray ko naman." sinamaan ko sya ng tingin, masakit kaya.

"OMG bess ! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kahapon, na kahit hanggang sa pagtulog kagabi yon lang ang nasa isip ko." nanlalaki pa ang mga mata nito.

"Nakita mo di ba ? So maniwala ka na." sagot ko na lang.

Ako nga rin hindi makapaniwala eh, sya pa kaya ?

"Pero bakit ? Paano ? Kailan nagsimula Sammy ? Gosh !" madamdaming napahawak pa ito sa ulo.

Nagkibit balikat lang ako. "Ewan ko . . Basta ba naramdaman ko nalang na gusto ko na sya ." nakangiting saad ko.

"Malanding to . . Kaya pala wa effect sayo si Papa David eh, dahil sa reyna ka naman pala kumikiringking." natatawang sabi nito.

"Kumikiringking talaga ?"

"Oo bess . . Imaginin mo kong gaano ako ka shock kahapon nong makita ko kayong dalawa ni Queen na naglalalaplapan. . My gosh ! Hindi nakaya ng straight hair ko yong nasaksihan ko ko kahapon bess." maarting saad nito.

Natawa ako. "Bakit nga ba kayo napunta doon ?"

"Eh kasi naman, bilang mabait mong kaibigan hinanap kita kasi bigla ka nalang nawala, kaya nagpasama ako sa baliw na si Dannica na hanapin ka, ni wala sa hinagap ko na yon ang masasaksihan namin eh !"

"Okay lang sayo bess ?" tanong ko.

"Ay sos ! Sino ba naman ako para hindi maging okay sakin, tanggap mo nga ako na ganito ako di ba ?. . Pero ang hindi ko lang talaga masyadong maintindihan bess . . Yong kong anong meron kayo ni Queen. . Di ba trip na trip ka noong i-bully ?"

Hindi ako nakasagot. . Ano nga bang meron kami ni Queen ? Wala naman syang sinabi.

"At tsaka bess. . Sure kabang totoo yong kay Queen ? Tsaka ano bang meron kayo ? Kayo na ba ?" sunod sunod na tanong nito.

"Sya ang unang umaming gusto nya ako." napangiti ako.

"Nag i like you ka naman agad ?" taaa kilay na tanong nito.

"Hindi ah ! Kinabukasan lang."

"Ay marupok ka bess. . Dapat pinahirapan mo muna, gaya ng pagpapahirap na dinanas mo sa kanya noon."

"Haaiisst ! Kinalimutan ko na yon Abbe, tsaka ang mahalaga yong ngayon."

Tinaasan ulit ako nito ng kilay. "So ano nga kayo ? MU ? "

Umiling ako ." Momol." sagot ko.

"Ano yon ?"

"Make out make out lang. . Joke lang bakla ! First time yong kahapon." tinawanan ko sya ng malakas.

"Ahhh . . So kapag nagkataong hindi kami dumating ni Dann, sex na ang kahahantungan nyong dalawa."

Tinampal ko ng mahina ang bibig nito. "Hoy ang bastos mo bakla !" nararamdaman ko ang pag iinit ng mukha ko.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon