Chapter 6

9.7K 306 15
                                    

Samantha's POV

Dalawang araw ang madaling lumipas , at himalang sa dalawang araw na yon wala ni isa sa mga alagad ng Reyna ang nagtangkang lumapit sa akin. Malaya na akong naglalakad sa hallway na walang alalahanin, wala ng bumubuhos sa akin ng tubig tuwing umaga. Wahhh !! I'm free !!.

"Laki ng ngiti Bess ahh !" biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Ay kabayong bakla !" napatili pa ako dahil sa gitla.

"Samantha Marie bakla lang ako, di ako kabayo uii ." nakasimangot na ito sa akin.

"E bat ka kasi nanggigitla ?!"

"Kasi naman bess lutang ka, kanina pa , tsaka nakangiti kapang mag-isa, Samantha tell me the truth, naka shabu ka ba ?" seryoso pang tanong nito.

Binatukan ko sya ng malakas. "Baliw! Bat naman ako magsha-shabu ? Bad kaya yon , magagalit si tatay digong !" inirapan ko sya.

"E kasi naman bess ngumingiti ka ng mag Isa eh ." hawak pa nito ang ulo.

"Abbelardo porke nakangiting mag Isa na ka shabu agad ? Di ba pwedeng masaya lang ?"

"Bat ka nga masaya ?"

"Eh kasi nga Abbi di mo ba napapansin? Dalawang araw na akong di pinag ti-tripan ng mga alagad ng Reyna nyo ." nakangiting sagot ko dito.

Tila nag isip naman ito. "Oo nga Bess no, Matapos nyong magtagpo don sa CR, Ano ba kasing pinag usapan nyo'ng dalawa Sammy ." malokong ngumiti ito sakin.

Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng pisngi ko . Sa tuwing naaalala ko ang tagpong iyon ay hindi ko talaga maiwasang mahiya. Ano ba kasi ang nasa isip ng malditang yon ? Arrghhh !.

"Naku ! Naku ! Naku !." tinulak pa ako nito ng malakas. "Ganyan na ganyan yong mukha mo bess pagkalabas na pagkalabas mo don sa cr ehh !" tila tuwang-tuwa pa ito sa kalokohan nya.

Sa tingin ko mas lalo akong namula . Magmula kasi nong cr incident namin ni Queen ay hindi na ako tinigilang asarin ng baklang to.

"May ginawa kayo no ?!" di parin ito tumitigil .

Pinanlakihan ko sya ng mata . "At ano naman ang gagawin namin don sa loob aber ?" medyo lumakas pa ang boses ko.

Tinawanan lang ako nito ng malakas. "Malay mo nag ano kayo don ?!" Ngumuso-nguso pa ito.

"Ano ?!"kunot noong tanong ko dito.

"Ganito oh ." pumikit pa ang bakla at hinay hinay na lumapit sa akin .

"Baliw ka Abbelardo hah !" tinulak ko ang mukha nito palayo .

"Aray ko naman Sammy ." nakangusong reklamo nito.

"Ikaw naman kasi eh ! Napaka green minded mo kasi ."

"Eh ano nga kasing ginawa nyo don, matagal Kaya yon Sammy bago kayo lumabas ." mapanukso ulit itong ngumiti sakin.

"Ewan ko sayo ! Tch ! Dyan ka na nga !" mabilis na akong naglakad palayo dito malapit na rin naman ako sa classroom.

Narinig kong tumawa pa ito ng malakas bago naglakad na rin patungo sa klase nito.

Simula kasi sa araw na yon, hindi na ako tinigilan ni Abbe tungkol don, curious na curious talaga ang bakla kong anong sinabi sakin ni Queen.

Naramdaman ko ulit ang pamumula ng pisngi ko ng maalala ang mga tagpong iyon.

Arrghh !! Erase ! Erase mo na yon Sammy ! Wala lang talagang ibang magawa ang bruhang yon .

Pumasok na ako agad sa classroom, insakto namang wala pa si Mr. Reyes.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon