Queen's PoV
Ngayong araw na ito, napag pasyahan kong kausapin na si Samantha, para ayusin ang relasyon naming dalawa.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mommy, doon ko lang na realize na mali ako, mali yong naging desisyon ko. Nagpadalos-dalos ako, na posibleng mawala sa akin si Sammy dahil doon.
May tiwala naman ako sa nararamdaman nya para sa akin, Alam kong Mahal nya ako, pero paano kong maglaho yon ? Nasaktan ko sya eh.
It's lunch time already pero kanina ko pa hindi nakikita si Samantha, nagtataka rin ako dahil hindi rin sya pumasok kanina.
"Hey." bati ko sa grupo, umupo ako sa tabi ni Abbe.
Okay naman kaming lahat, noong una galit sila sa akin dahil sa mga pinaggagawa ko, pero kalaunay naintindihan naman nila ako.
Bumati rin sila pabalik sa akin. "Hi kaibigan ? May napapansin ka ba ?" nakangising tanong sakin ni Dann.
"Yeah. Ahmm . . Alam nyo ba kong nasaan si Samantha ? Wala kasi sya kanina." Isa Isa ko silang tiningnan.
Napatikhim lang si Jacob si David naman ay tila walang narinig, habang si Dannica ay nakangisi pa ring nakatingin sa akin.
"Ay hindi mo alam ?" napatingin ako kay Abbe. Inosenti pa itong nakatingin sa akin.
"Magtatanong ba ako kong alam ko ?" hindi ko mapigilang tarayan ito.
"Ay nako girl, wag mo akong tinatarayan ahh, baka nakakalimutan mong hindi pa rin tayo bati, dahil sa ginawa mo sa Bessy ko." taas kilay pang saad nito.
Napa buntong hininga nalang ako. "I'm sorry." sincere na saad ko. "Pero please sabihin mo sa akin kong nasaan ngayon si Samantha."
Ilang minuto pa kami nag titigan bago ito nagsalita. He heave a sigh. "Aalis sila ng Mama nya ngayon, uuwi na sila sa probinsya." malungkot na saad nito.
Napakunot noo ako. "What ? Uuwi ? Saan ?"
naguguluhan ako sa sinabi nito."Uuwi na sila ng Mama nya sa probinsya nila." ulit nito.
"And guess what kaibigan, sinabi ni Samantha sa amin na baka, hindi na sila bumalik dito." singit ni dann.
Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig. "Say it again ?"
"Hindi na sila babalik dito." deritsong saad din nito.
Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko ngayon. No. Hindi pwede, Tch ! Hindi yan totoo.
"No." umiling iling ako. Ayaw kong maniwala.
Tiningnan ko sila Isa isa. Naghihintay ako na sabihin nilang nagbibiro lang sila, pero ilang sandali pa ang nagdaan pero wala ni Isa sa kanila ang nagsalita, nakatingin lang silang apat sa akin, at tila ba naghihintay lang din sila sa magiging reaksyon ko.
"Totoo yon Queen, sinabi sa amin ni Sammy nong isang araw, hindi namin nasabi sa iyo dahil yon ang gusto nya." si Jacob.
Kagat labing nagsalita ako. "Pero p-paano a-ang pag aaral niya ?" tila pinipiga na ngayon ang puso ko sa sakit.
Iniisip ko pa lamang na hindi ko na sya makikita ay sobrang sakit na, tang ina.
"Mag ta-transfer nalang daw sya." si David.
"Hindi pwede yan. No." naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko.
Fuck ! Dito pa talaga sa cafeteria ako umiiyak hah. . Arghh ! Pero di ko talaga mapigilan ang sarili ko ngayon, fuck ! Sobrang sakit.
Tila nataranta naman ang mga kasama ko sa table dahil sa pag iyak ko.
"Hala kayo, pinaiyak nyo tong kaibigan ko." narinig kong saad ni Dann.