Chapter 35

6.8K 191 18
                                    

Queen's PoV

Halos sampung minuto lang akong naghintay dito sa parking lot ng makita ko na paparating na si Samantha.

Lumabas agad ako sa kotse at malaki ang ngiti habang hinihintay sya.

"Hi". bati ko sa kanya ng makalapit na sya ng tuluyan sa akin.

"Hi."tila nahihiya pa nitong tugon.

"How's your day ?" pinagbuksan ko sya ng pinto ng kotse.

Noon ako ang pinagbubuksan ng pinto ng kotse, pero ngayon ako na yong nagbubukas.  . Haisst. .

"Okay lang." pumasok naman agad sya.

"Na miss mo ako noh." nakangisi ako dito.

"Asa." inirapan lang ako nito.

Natatawang sinarado ko na ang pinto habang nagmamadaling pumunta sa drivers seat.

"Hindi mo ako namiss ?" lumapit ako sa kanya para ikabit ang seat belt nya.

Tch! Hanggang ngayon nakakalimutan nya paring mag seat belt.

"Nagkita pa tayo sa umaga Queen. . Wag ka ngang oa." Mataray na saad nito.

"So oa na ngayon ang ma miss ka." Basta na lang yon lumabas sa bibig ko.

Hindi ako nakatingin sa kanya ngunit kitang kita ko in my peripheral vision kong paano nya ako titigan ngayon.

"Seryoso ? Na miss mo talaga ako ?" tila hindi pa ito makapaniwala.

Tumingin ako sa kanya at inirapan sya.

"Ay grabe sya bess oh ! Hindi ka ba talaga kapani-paniwala ? Hahaha."

Hindi nalang ako umimik dito. .
Ilang sandali pa na nakatitig lang ito sa akin at tila ba pinipigilan lang nitong wag matawa.

"Hey Queen. ."

"Hmm."

"Tampo ka ?"

Inirapan ko ulit sya.

"Nagtatampo ka ?"

"Hindi." labas sa ilong na sagot ko.

"Tch ! Nagtatampo ka eh." hinawakan pa nito ang mukha ko.

"Ano ba Samantha nagmamaniho ako." sinimangutan ko sya.

Pero tinawanan lang ulit ako nito.

"Uy. . Nagtatampo." ulit pa nito.

Bakit ba ang hilig na nitong mang inis sa akin. . Ni kahit konting takot na nga lang ata sa akin wala na sya non.

"Shut up Rivera." medyo napipikon na po ako sa totoo lang.

Tumigil naman ito, naramdaman ata nitong naiinis na ako-----

"Wag ka na magtam----

"Samantha Marie Rivera." Kong nakakabuga pa ako ng apoy ngayon, I'm sure nabugahan ko na sya.

"Sorry na. . Hehe." nag peace sign pa ito sa akin.

"Tch !" I hissed at her.

Tumahimik lang kami sandali ng magsalita na naman ito.

"San mo ba ako ide-date Queen ?"

"Secret." sagot ko.

"Ay sos. . May pa secret secret ka pang nalalaman dyan, malalaman ko rin naman mamaya yan eh."

"Haisst . . Kaya nga secret di ba ? Bawal mo malaman. . Tch ! Tsaka kakain muna tayo."

"Bahala ka nga. . Basta ba wag mo lang akong dalhin sa mga pang mayaman na lugar ah, allergic ako don eh."

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon