Samantha's PoVSabay na nagsidatingan dito sa bahay sina Abbe, David, Jacob at Dann.
"Hi po tita." sabay sabay pa nilang bati kay Mama. Isa isa itong humalik sa pisngi ng nanay ko.
"Hello sa inyong lahat, At kay gu-gwapo Naman ng mga batang ito." saad nito kina David at Jacob kasama na rin si Abbe.
Medyo natawa pa nga ako dahil sa reaksyon nong huli.
"Tita, ganda po ako." Biro nito.
Tumawa na lang ng malakas si Mama. "Abbelardo ikaw na ba yan, kay gwapong binata mo na ah."
"Yucks tita, don't say bad words po, Abbe na lang, tsaka maganda nga kasi ako." hinawi pa nito ang imaginary hair nito.
Nagtawanan naman kaming lahat.
"Tong batang ito puro kalukuhan, Oh sya umupo muna kayo doon sa sofa at hihintayin pa natin sina Sofia." Sabi nito.
Inaya ko naman sila para umupo.
Birthday kasi ngayon ni Mama, kaya pinaimbita nya sa akin tong mga kaibigan ko.
First time pa nilang nakita si Mama, kapag kasi may pagkakataon na makapunta sila dito, sakto namang wala si Mama.
"Bakit hindi mo sinama si Kristen Dann ?" tanong ko kay Dannica.
"May Family Reunion daw sila ngayon."
"Oh bat hindi ka nalang sumama doon ? At ng makilala ka na ng pamilya ng girlfriend mo." Si Abbe.
"Gago ! Hindi pa nga sya out di ba ? Tsaka Sabi nya sobrang strict daw ng parents nya, kaya hindi sya naka punta dito, gusto nga nyang sumama ngayon eh."
"Eh ikaw out ka na ba sa parents mo ?" tanong ko.
"Tch ! Wala namang pakialam ang mga yon sa kong ano mang ma tripan ko sa buhay ko ehh, supportive ang mga yon."
"Sana all supportive." si David.
"Eh ikaw Papa David. Wala kang planong mag girlfriend ?" Si Abbe.
"Bakit, sino bang may sabing wala akong girlfriend ?"
"Bakit meron ba ?" taas kilay na tanong ni Dann.
"Wala pa. . But I'm sure one of this days magiging girlfriend ko na sya." tila nag i-imagine pa ito.
"Lakas tama mo talaga don sa Nerd na yon tol noh ?" binatukan pa ni Jacob si David.
"Aray naman tol. . Tch ! Tsaka hindi sya nerd, sadyang matalino lang talaga sya."
Nagkatinginan Naman kami ni Abbe at Dann.
"Sino ba yang tinutukoy nyo ?" si Dann.
"Hindi nyo siguro kilala, basta ba first year pa sya dito, na palaging may dala dalang libro, palaging nakasalamin, at kapanahunan pa siguro ni Maria Clara kong manamit ang babaing kinakabaliwan ng unggoy na to." saad ni Jacob.
"Papa David kong sino man yang babaing yan, tang ina ang swerte nya, I always support you papa David." nakangiting saad ni Abbe.
Napangiti nalang din ako, kitang kita naman sa mukha ni David ang saya.
"At least si David may hihintayin na, eh ikaw Jacob ?" si Dann.
Nagkibit balikat lang ito. "Meron na ako, nandon sa America."
"Weeh ?" sabay sabay pa kami.
"Meron na nga." tumawa ito. "Okay, to be honest, nag cool off muna kami ng girlfriend ko doon, Kasi nga nagpunta ako dito sa pilipinas, but we promised na kapag nakapagtapos na ako dito at makabalik na ako sa America, we will continue our relationship. Ganon lang yon kasimple."