Chapter 42

5.8K 170 51
                                    

Queen's PoV

"Truth or Dare ?" tanong ni Dann kay Sofie bruha ika nga nila.

Siguro nagtataka kayo kong bakit kasama namin tong bruha nato ngayon. . Tch ! Nakiusap kasi si Jordan sa amin na kong pwede wag muna daw kami mag away, kahit ngayon lang. .

"So bukas Bess, pwede muna ulit syang awayin ?"

Nandito kami ngayon nakaupong paikot sa buhanginan, kasama namin ang grupo ng mga kaibigan ni Jordan. . At naglalaro na naman kami ng walang kamatayang spin the bottle. . Haisst ! Wala na ba talaga silang ibang maisip na laro ?

"Dare." sagot naman nong isa.

Tila nag iisip pa si Dann kong ano ang ide-dare nya kay Sofie.

"Okay . . Ahmm . . Nakita mo ba yong girl na yon ?" turo nito sa isang babae na mag isa lang na nakaupo sa buhanginan.

"Of course. . I'm not blind, duh." Inirapan pa nito si Dann.

Tch ! Maldita talaga.

"Sinisigurado ko lang." nginisihan naman nya ito. ."Okay. . Sofie dear. . I dare you to kiss her. . . On her lips." matamis pa nyang nginitian ito.

"What the eff. . What do you think of me ? A lesbian ?" napatayo pa ito at tila ba sasapakin na nito si Dann.

"Haisst . . Wag ka ngang oa girl. . Smack lang naman.  . Tsaka hel-lo. . Lesbian agad ?" natatawa pang nginisihan lang nito ang isa.

"Wala ka na bang ibang pwedeng maging dare ?" wala na atang itataas pa ang kilay nito.

"Haisst. . Bakit ka ba reklamo ng reklamo dyan girl ? Truth or Dare tong nilalaro natin di ba ? So kong yan na yong dare, Wala ka ng magagawa. . Tch !" hindi ko na mapigilang sumabat sa kanila. "Nagsasayang ka ng oras eh." di ko mapigilang mapairap.

"Ano ba Queen. . Wag ka na ngang sumabat dyan." kinurot pa ako ni Sammy sa tagiliran, kaya di ko mapigilang mapapitlag.

"Ang arte kasi eh." mahinang sagot ko dito.

"Kalma ka na nga lang dyan." hinawakan pa nito ang kamay ko.

Don lang ako tila kumalma. . Sa ngayon si Samantha nalang talaga ang may kayang pakalmahin ako. .

Nakita ko naman na padabog itong tumayo, may sinasabi pa ito ng kong ano ano pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Nakatingin naman kaming lahat sa kanya, nakita kong bigla na lang itong umupo sa tabi nong girl, hindi naman namin nakikita ang mga mukha nila kasi nakatalikod sila sa amin.

Dumaan pa ang ilang sandali bago nagawa nito ang dare. . Gusto ko ngang humagalpak ng tawa kasi pagkatapos nitong halikan ang babae ay singbilis naman ito ng kabayong tumakbo pabalik sa amin.

"Ano ? Masarap ba girl ?" nakangising tanong ni Dann.

"Fuck you." nag dirty finger pa ito kay Dann.

"Sure ! Baka mamaya libre ako." patuloy pa rin sa pang aasar ito.

"Pumapatol ka na rin sa kapwa mo bakla ?" patiling tanong ni Abbe.

"Gago." Binatukan lang nito si Abbe.

"Ew ! Kadiri ka." pulang pula na po si Sofie the bruha.

"Subukan natin kong kadiri ba." tawang tawa lang si Dann.

Di ko naman mapigilang matawa na rin, Kaya nag react na naman po tong mabait na katabi ko.

"Dannica tama na nga yan. . Ipag patuloy na lang natin ang paglalaro." singit ni Sammy.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon