Chapter 2

12.1K 329 21
                                    

Samantha's POV

First day of school kaya excited akong gumising ng maaga. Isa lang ako sa mga iilang studyanting excited pumasok sa unang araw ng klase.

"Ang aga ah ." bungad sakin ni mama.

"Syempre naman mama . . DLM University lang naman ang papasukan ko eh ."

"Hindi ka naman excited no?"nakangiting saad nito.

"Hindi ahh . . Slight lang."

"O sya lika na't kumain, baka sa sobrang excited mo'y makalimutan mo ng mag almusal ."

Natatawang umupo na ako sa harapan ng hapagkainan. Nag kwentuhan lang naman kami ni mama, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Bye po Mama."hamalik ako sa pisngi niya.

"Bye anak . Ingat ka don ah." ginulo pa ni mama ang buhok ko.

"Ma naman eh!" ungot ko dito, pero tinawanan lang ako nito.

"Good luck Sammy!"

"Thanks po, bye po Ma !" kumaway pa ako dito, nagkatawanan naman kami ni Mama . . Kung magpaalaman kasi kaming dalawa parang ang tagal kong mawawala, eh halos sampung minuto lang ata ang byahe sakay ng scooter ko ang bagong school na papasukan ko.

Sumakay na ako sa motor ko, gift sakin ni Mama to nong mag seventeen ako, so almost two years na to sakin.

Halos sampung minuto ang lumipas ng makarating nga ako sa school, pinark ko na ang motor at dali daling pumasok sa campus, hindi talaga ako excited, promise ."

Medyo marami na din namang studyante ang nandoon, ginala ko pa ang paningin ko sa paligid. Shocks sobrang ganda talaga ng school nato tas ang laki pa . . Waaahh !.

"Sammy ?!"

"Sammy?!"

May tumatawag ba sakin ? Sa sobrang busy ko ata sa paghanga sa school na to, hindi ko napansing kanina pa pala may tumatawag sa akin. Wait? May nakaka kilala sakin rito ? Imposible ! First time ko kayang makapasok dito no.

"Samantha Marie!".may biglang tumili sa likuran ko kaya agad agad naman akong humarap dito.

Napakunot-noo na lang ako , kasi di ko naman kilala ang taong to eh. Lalaki sya pero kong makatili daig nya pa yong baklang kaibigan ko sa dati kong school eh.

"My gosh Samantha Marie it's you nga ." nag patalon-talon pa ito sa harapan ko.

Pilit ko naman syang nginitian. Gosh ! Sino kaya to? He looks so familiar pero hindi ko matandaan eh .

"Hehe, mawalang galang na ha, pero Sino ka nga ulit ?" napakamot nalang ako sa ulo.

Huminto naman ito sa pagtata-talon. "Ohh Sammy your so bad, you already forget me."madrama nitong saad.

Di ko man gustong tumawa ay wala akong nagawa kundi ang humalakhak, lalaking lalaki kasi talaga siyang pumorma pero napaka feminine nyang gumalaw.

"I'm sorry dude, pero di talaga kita matandaan eh !" di ko parin mapigilang tumawa.

"My gosh Sammy, it's me Abby your grade school's super duper beautiful friend !" nag pose pa ito ala beauty queen.

Abby ? . May pumasok agad na imahe sa utak ko . . Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa .

"OMG ! Abbelardo Santiago III ikaw na yan ?!" malakas kong sigaw dito.

Ang dati ko kasing natatandaan ay isang matabang bata si Abby, pero ngayon grabe, ang laki na ng pinagbago ng loka.

"Sammy eww ka naman eh ! Abby lang kasi, kinikilabutan ako kapag naririnig ko ang pangalan na yan, gosh ! ." maarting saad pa nito.

Naging magkaibigan kami ni Abby since grade 1 hanggang grade 6, nagkahiwalay na kasi kami nong magha high school na kami, nagpunta kasi siya sa states para don mag-aral.

"Arte naman nito nito !" bahagyang sinabunutan ko pa ito .

"Ouch naman sammy, wala ka pa ring ipinagbago, bayolente ka pa rin ."inirapan pa ako nito.

"Ikaw Rin wala, maarte ka pa rin ." sagot ko naman.

"Syempre maganda eh !"

Nagkatawanan na naman kaming dalawa . Hindi naman kami pinapansin ng ibang studyante kasi busy Rin sila sa pag chi-chismisan.

"Kumusta kana girl?"tanong ng isa.

"Ito mas maganda pa rin sayo." nakangising sagot ko.

"Ay hindi rin . . Pero sa totoo lang girl mabuti't naisipan mong dito mag-aral ."

"Kaka-transfer ko nga lang eh, nakaipon na kasi ng sapat na pera si Mama, kaya dito na nya ako pinag aral."

"Mabuti naman girl at may makakasama na akong mang hunting ng boys, tsaka may reresbak na sa akin sa mga malditang hindi naman magagandang mga babaita rito." hinawi nya pa ang imaginary hair nya.

"Baliw ! Bakit ? May nang aaway sayo rito ?"

"Oo ! Yong grupo ng mga mean girls dito, palagi nila akong pinag titripan."nakangusong sumbong nito.

"Ay sos, siguro may mga crush lang yon sayo kaya ka trip nila ."

"Yuck !" umakto pa itong naduduwal.

"Bakit , totoo naman ahh, sa gwapo mong yan?"

Niyakap pa nito ang sarili. "Hindi ako gwapo Sammy, maganda ako, at ang gandang to ay para lang kay David ."

"Sino naman yon?"

"Really Sammy? Hindi mo sya kilala?"

"Aba'y Malay ko, bago nga ako dito di ba ?"

"The one and only David Saavedra, ang Captain ball ng DLM University's basketball team, hunk slash model slash future boyfriend ko."tila nananaginip pa ito ng gising.

"Gumising ka nga bakla ." binatukan ko sya .

"Aray naman Sammy !"angal nito .

"Umagang umaga nananaginip ka na kasi eh."

"Bakit ? Wala namang masamang mangarap di ba ? Tsaka alam ko namang hanggang panaginip ko lang sya eh, patay na patay ba naman kasi yon sa Reyna ng school nato ."

"Reyna talaga ?" tinaasan ko sya ng kilay .

"Oo Sammy literal na Reyna kasi sa pangalan pa lang niya Reyna na sya ."

Parang Alam ko na kong Sino to . Napahalukipkip ako sa harapan nito.

"She is Queen Remojiin De la Merced, queen of all queens, di ba Sammy pangalan palang alams na."

Nagkibit balikat na lang ako rito.

"And speaking of the queen, there she is Sammy."bahagya pa itong yumukod .

Bigla na lang tumahimik ang paligid and then wala na akong ibang narinig kundi ang pagbati ng lahat ng studyante sa Reyna kuno nila . Bandang likuran nya na ang nakita ko, may kasama syang isang babae na halos kasing tangkad nya lang din, at ito din ang sumasagot sa lahat ng bumabati sa kanila.

Sayang di ko man lang nakita ang mukha niya .

"Kong maka yukod ka dyan ah !" binatukan ko si Abe. "Para namang totoong Reyna yon, tsaka karebal mo kaya yon ."

Napakamot pa ito sa ulo ."Sammy matagal ko ng tanggap na hanggang pangarap ko lang talaga si papa David, at tsaka hello, ni sa panaginip hindi ko kailanman gugustuhing maging karibal Yong isa, hindi mo Alam kong gaano kasama at kalupit ang isang yon. . At tsaka Sammy, dito pagdating sa Reyna, wala na finish na ." bumuntong hininga ito ng malalim .

Ganoon pala sya sambahin dito ? Tch ! Batukan ko yon eh, Malditang anak ni Tita Pea . Che!!







------------------

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon