Samantha's PoV
Nakalabas na ako't lahat sa school pero wala pa ring Queen ang nagpapakita sa akin. .
Alam nyo bang halos buong araw ko syang hindi nakita, ni hindi nga yon pumasok ngayon eh. . Haiistt ! Nasaan na kaya ngayon ang reyna na yon ?
Ni text or chat man lang wala. .
"Baka natakot na sayo Sammy friend. . Pinapaligaw mo ba naman sayo, eh anong alam non ? Dapat nga ikaw yong manligaw sa kanya eh."
Eh ano namang alam ko sa panliligaw aber ?
"Kaya nga . . Parehos kayong walang alam. . Di ba pwedeng kayo na agad ? Gusto nyo naman ang isa't isa ahh, so ano pang hinihinintay mo ?"
Tch ! Ang akin lang naman, gusto ko lang maranasang maligawan, Wala pa kayang nanligaw sa akin.
"For your information friend, madaming nagtangkang manligaw sayo noon noh, ikaw lang tong ayaw. . Tas ngayon, pagkakataon mo nang mapasayo ang reyna ng walang kahirap hirap, ikaw naman tong nag iinarte, Tch ! Ewan ko talaga sayo."
Masama ang loob na naglakad ako sa labas ng school, hindi ko kasi dala ang motor ko ngayon, Kaya mag co-comute na lang ako.
"Eh kong ayaw naman nyang manligaw, dapat sinabi na nya agad sa akin, madali naman akong kausap ah . . Hindi ganitong, hindi na sya magpapakita sa akin. . Haisst !" I'm sure hindi na maipinta ang pagmumukha ko ngayon.
Nahinto lang ang pagdadabog ko ng bigla na lang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. . At alam ko kong kanino yon.
Tch ! Akala nyo sa Reyna no ? Pwes nagkakamali po kayo, dahil si David lang po yon.
"Hop in Sammy." ang laki pa ng ngiti nito sa akin.
Iniisip ko nga kong bakit hindi na lang ako sa kanya nagkagusto, gwapo naman sya, mabait, mayaman, tas sobrang sweet, lahat nalang siguro ng katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya na lahat, pero bakit ni katiting ay wala talaga akong nararamdaman para sa kanya, Tch ! Tapos sa isang Reyna pa talaga ako nahulog. . Hayy. . Saklap.
"Hey Sammy. . Come on. . Hatid na kita."
Nginitian ko muna sya bago pumasok na sa kotse niya. .
"Let's go ?" tanong nito.
Tinanguan ko lang sya. . Pinaandar naman agad nito ang kotse. .
Napasulyap ako sa labas, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko doon si Queen. .
Si Queen na may dalang isang bungkos ng . . . ng bulaklak ? Habang nakatiim bagang nakatingin lang sa kotse na sinasakyan ko.
"Patay tayo nito friend !"
Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay David.
"Ihinto mo muna ang sasakyan David."
"Huh ? Bakit ?" naguguluhang tanong nito.
"Basta." sagot ko nalang.
Inigilid nya naman agad ang kotse, nagmamadali agad akong lumabas at tumakbo kong saan nandon kanina si Queen.
Ngunit pagdating ko doon ay wala na sya, yong isang bungkos nalang ng bulaklak ang nandoon.
Haiistt. . Tinapon nya siguro.
Kinuha ko nalang yong bulaklak at malungkot na naglakad ulit patungo sa kotse ni David.
Tch ! Ano na naman kaya ang iisipin ng Reyna na yon. .Sana naman makinig sya sa explanation ko. . Haisst !