Chapter 27

7.7K 251 23
                                    

Queen's PoV

"And why are you even here Dannica ?" kanina ko pa tinitingnan ng masama si Dannica habang magkaharap kaming dalawang nakaupo sa sofa nina Samantha.

Pagkalabas kasi namin sa bahay kanina, insakto namang papalabas ang baliw, nagtanong kong saan daw kami pupunta. Wala akong planong ipaalam sa kanya kaya hindi ako sumagot, pero itong si Samantha sinabi naman agad kay Dannica, kaya ang ending hito, Sumama sya sa amin sa bahay ni Sam, at ang malala pa don tinawagan pa nito si Abbe, kaya ang plano ko sanang masolo si Samantha ngayon ay hinding hindi na mangyayari, dahil sa asungot na nasa harapan ko ngayon.

"Gusto ko nga kasi makita tong bahay ni Sammy kaibigan." relax na relax na sagot nito, nakapatong pa ang mga paa nito sa lamesa.

"Umayos ka nga." sinamaan ko sya ng tingin.

Umayos naman agad ito ng upo.

"Ngayon nakita mo na ang bahay, bat hindi ka pa umuwi ?"

"Ay grabe ka naman kaibigan sa akin, kakaupo ko pa nga lang dito, pinapaalis mo na ako ?" madramang saad nito.

"Sinong aalis ?" biglang tanong ni Sammy, papalapit na ito sa amin na may dalang tray na may laman na juice.

"Ako Sammy. . Pinapaalis na ako ng jowa mo." nakangising saad ni Dann.

"Jowa ? Hahaha ."

"Shut up Ortega !"  napahalukipkip na lang ako.

Haisst ! Bat ko nga ulit naging kaibigan tong baliw nato ? Tch ! Ang kulit !

"Oo nga pala Sammy. . Sinong kasama mo sa bahay na to ?" biglang tanong ni Dann.

Oo nga. . Kanina ko pa hinahanap yong Mama nya pero di ko pa sya nakikita hanggang ngayon.

"Yong Mama ko, kaso wala sya dito eh, dumalaw doon sa bahay ng tita ko, bukas pa ang uwi non."

Ewan ko ba kong bakit nakahinga ako ng maluwag sa narinig, may part sa sarili ko na gusto kong makilala ang mama nya, kasi nga parang pamilyar sya sa akin, at may part din sa akin na parang kinakabahan akong makilala sya . . . Haisst ! Napapikit na lang ako at bumuntong hininga.

"Okay ka lang ?" mukha ni Samantha ang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata.

Ang ganda . . Tang ina !

Napalunok ako ng sunod sunod at tinitigan ng mabuti ang mukha nya. Fuck ! I never knew na darating ang oras na makaka appreciate ako ng ganda ng ibang babae, specially this woman in front of me. Napaka simple lang naman nyang tingnan, nothing special, pero sa mga mata ko ngayon sya yong pinaka maganda. . Arghh ! I know its sounds corny pero yon talaga ang totoo.

"Excuse me kaibigan, Sammy, mamaya na kayo magtitigan dyan. . Hehe. . Respito naman sa single na kagaya ko . ." humagikgik pa ito.

Napatampal ako sa noo ko. Nakalimutan kong nandito pala tong makulit na baliw na to.

"Then go home Dannica." nawawalan na talaga ako ng pasensya sa kanya.

"No no no, kaibigan. Dito na din daw kami matutulog ni Abbe pagdating non, girls night out daw. Di ba Sammy ?" tumingin ito kay Sammy.

Tiningnan ko ng mariin si Sammy, hoping na tanggihan nya sana ang baliw na kaibigan ko.

At laglag balikat ako ng marinig ko ang sagot nito.

"Sure ! Tutal ako lang naman ang mag isa dito, kaya pwede kayong mag sleep over ngayon." ngumiti pa ito ng matamis kay Dann.

Haisst ! Pag minamalas ka nga naman oh.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon