Queen's PoV"Umalis na po ba sya manong?"
"Nako ma'am, hinimatay po, pupuntahan ko na sana pero dumating po si Maam Dann." sagot nito
Napapikit ako ng mariin sa narinig. Nandito pa rin ako nakasandal sa gate namin,habang basa narin ng ulan.
"Mabuti pang pumasok na rin ho kayo sa loob ma'am, baka magkasakit pa kayo."
Tinanguan ko lang sya at dahan dahan na ring naglakad papasok sa mansion.
Ngayon ko lang din naramdaman ang matinding pagod, pagod sa lahat ng bagay, simula ng malaman ko yon, Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pagkamuhi.
Dumeritso ako sa banyo ng kwarto ko, napapikit ulit ako ng mariin ng maramdaman ang pagdaloy ng tubig na nanggagaling sa shower.
Hindi ko malimutan ang mukha ni Samantha, Kong paano sya magmakaawa, Kong paano nya ako iniyakan, at kong paano nya sinabing mahal nya ako. At alam ko naman yon, nararamdaman ko yon, pero ngayon sa tingin ko hindi pa ako handa.
At tila mas lalong sumasakit sa pagdaan ng mga araw, it's been three days since that day. Tatlong araw kong tiniis na hindi sya makita kasi nga galit ako, galit ako sa kanya, sa nanay nya at sa nanay ko.
Pagkatapos kong maligo ay dumeritso agad ako sa kama at humiga doon.
Ayos lang kaya sya ? Bakit sya hinimatay ? May sakit ba sya ? Ano na ngayon ang lagay niya ?
"Oh, eh bakit concern ka ? Bakit ? Guilty ka ?
Bakit ? Di ba yon naman ang gusto mong gawin ? Ang saktan sya ? Kasi nga galit ka."Napapikit ako ng mariin. Galit ako, oo, pero hindi ko naman hiniling na magkasakit sya.
Napatingin ako sa phone ko ng biglang tumunog iyon.
May text galing kay Dann. Nagdadalawang isip pa ako kong babasahin ko yon. Ilang sandali pa ang dumaan ay binasa ko na rin iyon.
"Are you happy now ?"
Yan ang laman ng message nya sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako, pati kaming dalawa ni Dann ay nag away narin, pinipilit kasi nito sa akin na dapat daw binigyan ko ng chance si Sammy para makapag paliwanag, pero ayaw ko, Kaya nag away kaming dalawa.
Gusto ko sana syang tawagan para tanungin kong okay lang ba si Sammy, pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.
"At bakit mo naman yon gagawin aber ? Pagkatapos ng ginawa mo kanina ?"
Naramdaman ko ang isang butil ng luha ang biglang nahulog galing sa mga mata ko, agad ko naman iyong pinahiran. Pagod na pagod na akong umiyak.
Tumunog ulit ang cellphone ko, tiningnan ko iyon at nakitang may message si Jordan.
"Are you okay ?"
Napabuntong hininga ako. Si Jordan ang naging kasama ko sa tatlong araw na nawala ako, siya yong iniyakan ko, sinabi ko lahat sa kanya, at wala naman syang ibang ginawa kundi ang makinig sa akin.
Hindi na ako nag reply sa kanya.
Naaalala ko na naman ang mukha ni Sammy kaninang umaga, nong nasa cafeteria kami. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito ng makita ako, Nakita ko rin kong paano iyon lumungkot ng makita kong sino ang kasama ko. Gusto ko syang saktan oo, pero bakit parang doble ang sakit non pabalik sa akin?
Bakit ko pa ba pinapahirapan ang sarili ko ? Mahal ko pa rin naman sya ? Pero bakit ko ba sya sinasaktan ?
Ilang sandali pa akong nakahiga lang don habang nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Nang biglang nag ring ang phone ko, hudyat na may tumatawag sa akin.