Chapter 37

6.4K 188 33
                                    

Samantha's PoV

"Hey Sammy." napalingon ako sa likuran ko ng may biglang tumawag sakin.

Si David pala habang nakangiting papalapit na sakin. . Nandito kasi ako ngayon sa football field ng school, nakaupo lang sa damuhan, habang hinihintay si Abbe.

Tumabi agad ito ng upo sakin.

Ilang sandali pang tahimik lang kaming dalawa, hanggang sa magsalita na si David.

"Can I ask you a question Sammy ?"

Napatingin ako dito. ."Syempre naman." Tinanguan ko sya.

"Pwede ba kitang ligawan ?"deritsong saad nito.

Matiim ko syang tinitigan. . Seryoso ba to ?
Sa ilang beses kasing magkasama kaming dalawa ngayon lang nya sinabi ito.

Matagal lang akong nakatingin sa kanya. . Ni hindi ko nga nagawang sumagot sa kanya.

Eh ano namang isasagot ko sa kanya ?
Sasabihin ko bang, Im sorry David, kasi may iba na akong gusto eh, at si Queen yon.

"Ay masyado ata namang prangka yan bess."

Eh anong gagawin ko ? Ayaw ko syang paasahin noh . . Ang bait kaya ng taong to.

"Ahmm. . Ka-kasi David-----

"Joke lang Sammy. . Alam ko namang wala na akong pag asa sayo eh." nakatawa pang saad nito.

Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya. . Alam nya ? At hanggang saan naman Kaya ang alam nya ?

"A-alam mo ?" medyo ni-nerbyos pang tanong ko.

Masyado na ba kaming obvious ni Queen ? Tch ! Hindi naman ata, kasi kapag nandito naman kami sa school pinipilit naming maging civil sa isa't isa, hanggang tinginan na nga lang ang nagagawa namin eh.

"Wag ka nang masyadong mag isip ng kong ano-ano Sammy. . Tch ! But I'm happy to the both of you, medyo nakakatawa nga lang isipin eh." nakatawa pa rin ito.

"Bakit naman ?" awkward kong tanong.

Medyo hindi naman kasi ako komportabling pag usapan ang tungkol sa aming dalawa ni Queen sa ibang tao.

"Kasi nga si Queen, halos dalawang taon ko yong niligawan eh, pero ni kahit isang ngiti man lang hindi ako binigyan non . . Pero nang dumating ka, madalas na syang nakangiti, hindi man nya pinapakita sa lahat pero alam kong masaya sya."

Nakikinig lang naman ako sa kanya. . Papabayaan ko na muna syang magsalita.

"At ikaw naman, alam mo bang nong unang kita  ko palang sayo, gusto na kita." ngumiti pa ito sa akin. "Ang cute mo kasi eh, tsaka alam kong mabait ka. . Balak ko ngang ligawan ka sana noon eh, pero hindi mo man lang pansin, kasi nga na kay Queen na nakatuon lahat ang atensyon mo."

Napangiti nalang din ako.

"At first, nagtataka ako, kong bakit laging galit si Queen sa akin everytime na magkasama tayong dalawa, Kong bakit laging mainit ang ulo non sa akin, kasi nga nong time na yon, huminto na ako sa panliligaw sa kanya, pero bakit ang sama parin ng tingin nya sa akin ?"

Mataman lang naman akong nakikinig sa kanya.

"And then at last . . Napansin ko na rin kayong dalawa. . The way she look at you, and you to her . .Tch ! Alam kong ganon na ganon din ako kong tumingin sa kanya noon eh . . Haisst ." He hissed.

"Nong time na yon, don ko lang narealize na finish na, alaws na talaga akong pag asa kay Queen or sayo. ." tumawa pa ito ng malakas. "Tch ! Bat ko naman ipipilit yong sarili ko sa inyo di ba ? Kong kayong dalawa naman ang may pagtingin sa isa't isa ?" nagkibit balikat lang ito.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon