Chapter 29

7.3K 228 39
                                    

Queen's PoV

"Stay still Samantha, wag ka ngang masyadong malikot." akay akay ko ang lasenggang babaing to ngayon.

Sa bahay ko nalang sya inuwi, nag text nalang ako sa mama nya, na hindi sya makakauwi ngayon, syempre cellphone naman nya ang ginamit ko.

"Wag ka nga kasing masyadong malikot Samantha eh." konting konti nalang iiwan ko na to ngayon eh.

Mag ha-hating gabi na kasi, kaya wala ng gising katulong sa bahay, at medyo madilim pa, kaya hirap na hirap ako ngayong akayin sya. .

Napatingin ako rito ng bigla nalang itong humagikgik, nakapikit naman ang mga mata nya. . Napailing na lang ako. . Grabe naman kasi kong uminom ang babaing to eh.

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla nalang itong magsalita.

"Shino ka ?" tanong nito sa namumungay na mga mata.

"Future mo." sagot ko.

"Ay ang corny !!"

"Yong future ko ?" tumawa pa ito ng malakas. "Tch ! Nandon na sa past nya eh, nagkabalikan sila kanina." muntikan pa itong matumba kaya hinigpitan ko pa ang hawak dito.

"Wag ka nga kasing malikot Sammy eh. . Ako to si Queen."

Hinigpitan ko ang kapit ko sa bewang nito . . . Haisst ! Ang liit na babae pero ang bigat naman.

Inilapit pa nya ang mukha sa akin. "Ahhh . . . Ikaw yong paasa di ba ? Tch !" inirapan pa ako nito.

"Haiist ! Let's just talk about it tomorrow Sammy. . Sa ngayon umayos ka muna, at ng makarating na tayo sa kwarto ko, para makatulog ka na don." inakay ko ulit sya, hindi naman na nagmatigas ito.

"Tch ! Tandaan mo to babaeng paasha hah, shinushunod lang kita ngayon kashi lashing ako, alam kong lashing ako, hindi ko yon ikakaila, lashing talaga ako ngayon."

Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi nito.

"Pero tandaan mo to hah, bukash, ayaw ko na shayo,hek, hindi na tayo bati, i hate you back and fort." sumimangot pa ito sakin.

Tinawanan ko lang sya. "Ang cute mo palang malasing Rivera." mahinang saad ko.

"Maliit na bagay." saad naman nito, pero nakapikit na ang mga mata.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang kwarto ko. . Inihiga ko agad sya sa kama. .

"Ay ang sharap dito, ang lambot."

Hinubad ko muna ang mga sapatos nya at inayos na ng higa sa kama. . Pinalakas ko pa ang aircon sa kwarto ko, para naman hindi sya mainitan.

"Paano ba ang magmahal. . . ng hindi nashashaktan. . Lagi nalang di maari ngunit ayaw lumishan." bigla na lang itong kumanta ng malakas. . Okay lang naman kahit buong gabi syang kumanta dyan, soundproof naman tong kwarto ko eh.

"Pero paano tayo bess ?"

"Yon lang."

Pumasok na ako sa banyo ko para mag shower. . Hindi naman ako nagtagal don sa loob, kasi nga baka ano ng nangyari don sa babaeng lasengga na nakahiga sa kama ko.

Paglabas ko ay nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nandoon parin si Sammy, banayad na ang paghinga nito, siguro nakatulog narin sya sa sobrang kalasingan.

Napabuntong hininga ako, bago humiga na rin sa kama. . . Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang magandang mukha ni Sammy, bago ako tuluyan na ring nakatulog.

Samantha's PoV

"Oh shit !" napahawak ako sa ulo ko ng bigla na lang yong sumakit pagkamulat ko pa lang ng mga mata, kaya napaupo ako sa malambot na kama.

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon