Chapter 31

7.2K 231 59
                                    

Samantha's PoV

"Nak nandito na yong sundo mo." pasigaw na tawag sa akin ni mama sa baba.

Bigla na lang bumilis sa pagtibok ang puso ko sa narinig. . Kasi makikita ko na naman si Queen, kahit nagkita pa kami kahapon ay di ko pa rin maiwasang ma miss agad sya.

"Wala na talaga Sammy. . Baliw ka na talaga ." napahawak pa ako sa dibdib at napa buntong hininga.

"Samantha Marie." tawag ulit ni mama.

"Pababa na ho." sagot ko dito.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago nagmamadaling bumaba.

Sobrang saya at excited ang pakiramdam ko ngayon, ngunit ng makababa na ako ng tuluyan sa baba, Yong saya at excitement na nararamdaman ko kanina bigla na lang naglaho at napalitan ng disappointment.

"Ay grabe naman ang reaksyon Sammy." natatawang saad ni Dannica.

Nasaan si Queen ?

Napatingin ako kay Mama, titig na titig ito sa akin.

Kaya pinilit ko na lang ang sarili kong ngumiti.

"Hah ? Ahmm. . Akala ko kasi si Queen ang susundo sa akin eh, kaya nagulat lang ako na ikaw ang nandito. . Nasaan ba sya ?" pilit kong pinapasigla ang boses ko.

Tila biglang na tense si Dann sa tanong ko.

"Ahmm. . . Si Queen ? Ahhm . . Ano kasi. ." tila nag iisip pa ito kong anong ipapalusot nito sa akin.

Parang hindi ko magugustuhan Kong anong isasagot nya.

"Dannica ? Magsabi ka ng totoo." sinamaan ko sya ng tingin.

Tang inis. . Sabi kasi nya sa akin sya ang susundo sa akin eh. . Arghh !!

Tila natakot naman ito sa akin, ngunit hindi pa rin nito sinabi kong nasaan si Queen.

"Ayaw mong sabihin talaga ? Okay . . Madali akong kausap." tinalikuran ko na sya at akmang aakyat na ulit sa taas.

"H-hoy Sammy . . Saan ka pupunta ?"

"Hindi na lang ako pupunta." saad ko dito.

"What ! No . . Hindi pwedeng hindi ka pumunta Sammy . . Haaiisst ! Malalagot na naman ako nito kay Queen eh."

Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag akyat.

"Okay fine. . Arghh ! Sinundo kasi siya ni Jordan sa bahay nila, kaya ako nalang ang pinapunta nya dito para sunduin ka."

Nag init bigla ang ulo ko sa narinig, kaya masama ang tinging hinarap ko si Dannica.

"Ano nga ulit yon ?" Dali dali akong bumaba at lumapit sa kanya.

Bahagya itong napaatras na tila ba takot na takot ito sa akin.

"Mas nakakatakot ka pala kesa kay Queen, tang ina." mahinang saad nito pero dinig na dinig ko naman.

Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Tch ! Badtrip ako ngayon eh.

"Nasaan ulit si Queen ? Kapag hindi ka sumagot agad, hinding hindi na talaga ako pupunta." pananakot ko dito.

"Si-sinundo nga ni J-jordan, kaya a-ako na lang ang pi-pinasundo nya sayo."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga sa narinig. . Tch ! Talaga lang Jordan ha. . Aagawan mo pa si Queen sa akin ha.

"So le- let's go na Sammy ?" tanong ni Dann.

"Okay." walang ganang saad ko.

Humalik muna ako sa pisngi ni Mama at nagpaalam. "Alis na ho kami ma."

In Love With The Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon