Samantha's PoV
"Isipin nyo nalang kong anong feeling ko noong nag confess sya sa akin di ba ? My god ! Lahat na ata ng balahibo ko sa katawan tumayo sa sinabi nya." saad ni Abbe na tila diring diri pa ito sa sinasabi.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa dito, ganon din sina Dann. Nandito kami sa cafeteria ng school, at ngayon kahit pa-papaano ay maayos na ang pakiramdam ko.
"Ano bang problema don ? Maganda naman yong girl di ba ?" si Jacob.
"Maganda nga sya, pero my god papa Jacob talong ang gusto ko, hindi mani." maarting saad pa nito.
Sabay naman kaming lahat na nagtawanan.
Kahit papaano'y nagiging okay na ako, salamat talaga sa mga kaibigan kong to, hinding-hindi nila ako iniwan.Ilang linggo na nga ba ang dumaan ? Dalawa? Tatlo ? Yeah. . Tatlong linggo na pala ang nagdaan simula ng mangyari yon.
Nakikita ko pa rin naman si Queen, palagi nyang kasama si Jordan, at palagi rin akong nasasaktan.
Ginawa ko naman yong sinabi nya, pinabayaan ko na muna sya, hindi ko na sya kinulit simula nong huling usap namin sa phone, binigyan ko sya ng oras, ng space, pero bakit ganito ? Parang wala lang sa kanya ang lahat.
Hindi nya na ba ako Mahal ? Ito ang tanong na palaging pumapasok sa isip ko sa tuwing dumaraan ang araw na hindi pa rin kami nagiging okay.
Pati yong pagkakaibigan nila ni Dann naaapektuhan na rin, palagi ko namang sinasabi kay Dann na don na sya kay Queen sumama ngunit ayaw naman nito, yamot daw kasi sya sa pagmumukha ni Jordan.
Napatingin ako sa mga kasama ko sa table ng biglang nagsitahimikan sila at nakatingin lang sa iisang direksyon.
"Bagay na bagay talaga silang dalawa no ?" narinig ko pang saad ng isang studyanting nakaupo malapit sa table namin.
"Oo nga. . Balita ko sila na." saad naman ng Isa.
"Tch ! Fake news ka naman eh, nanliligaw pa lang si Jordan kay Queen, wag nyong pangunahan baka mausog." sabat naman nong isa.
Tiningnan ko sila ng masama. Mabuti nalang talaga napigilan ko ang sarili kong sumabat sa mga ito.
At halos maubusan na ako ng hininga ng dumaan ang mga ito sa harapan namin, at dumeritso ng upo malapit lang sa table namin, dalawang table lang ata ang pagitan namin.
"No offense lang Dann hah, pero gustong gusto ko na talagang sabunutan yang best friend mo eh." yamot na saad ni Abbe.
"Gusto mo tayong dalawa pa eh." sagot ni Dann.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Jacob. "Pabayaan na muna natin sya sa gusto nyang gawin, I'm sure darating din ang time na magiging okay ang lahat."
"Hanggang kailan naman ? Hanggang sa maging manhid na tong best friend ko ? Eh kitang kita naman nating nasasaktan sya di ba ? Tch !" umirap pa ito.
"Hoy okay lang ako." nginitian ko sila. "Okay na ako." tumingin ako sa table nila Queen.
Nagulat pa ako ng makitang nakatingin din pala ito sa akin. Ni hindi man lang sya nag abalang magbawi ng tingin ng mahuli ko syang nakatingin sa akin.
Nagbaling lang ito ng tingin ng kausapin sya ni Jordan, at tila sumikip ang dibdib ko ng makitang nginitian nya ang lalaki.
Sa akin lang dapat yon eh, ako lang dapat ang nginingitian nya ng ganyan.
Ibinaling ko na lang agad sa iba ang atensyon ko, alangan namang magpakatanga ako di ba ?
Naramdaman ko na may umakbay sa akin. Pagtingin ko ay ang nakangiting mukha ni David ang nakita ko.
Anong trip nito ? Si Dann naman yong katabi ko kanina ahh.