Samantha's PoV
"Bessy, kain kana muna, nong isang araw ka pa ganyan eh." reklamo sa akin ni Abbe.
Hindi ko sya pinansin, Basta ba nakatingin lang ako sa pagkaing nasa harapan ko. . Napapikit ako ng mariin.
Tatlong araw.
Tatlong araw na akong ganito, simula ng mangyari yon, nawalan na ako ng gana sa lahat, mabuti nga hindi pa ako nagkakasakit sa mga pinaggagawa ko.
Tatlong araw ko na din syang hindi nakikita.
Tang ina. . Miss na miss ko na sya.Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata.
Nataranta naman agad si Abbe. "Oy Bessy wag naman dito, ano ka ba."
Pero patuloy pa rin ako sa pag iyak, konti lang naman ang tao dito sa cafeteria, tsaka Wala naman akong pakialam kong anong sasabihin nila.
"Gusto ko syang Makita Abbe." saad ko.
"Eh ayaw ngang magpahanap Bessy eh. Tch ! Siguro bigyan mo muna sya ng konting oras para mapag isa, siguro naman maiintindihan ka naman nya, Tch ! Mahal ka non eh, Kaya please lang Samantha Marie, tulungan mo muna yang sarili mo, hindi yang palagi ka nalang ganito, magkakasakit ka nyan eh."
Hindi na ako sumagot dito, pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
"Hey Sammy. . Haisst . . Umiiyak ka na naman." naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Dann.
Tumingin ako dito at hindi ko naman napigilan ang sarili kong umatungal doon.
Nakita ko pa ang pagkakataranta nina Jacob at David, na kakarating lang kasama si Dann.
"Shhh. . Stop na Sammy. . Magiging okay din ang lahat." si Dann.
"Pa- paano k-kong hindi." alam kong mukha na akong ewan ngayon.
Pero Wala akong pakialam sa kanila. . Tang ina masakit puso ko ngayon eh.
"Alam mo na ba Kong nasaan sya ?" tanong ko dito.
Napabuntong hininga lang ito. "Hindi eh, kahit saan ko na sya hinanap, pero di ko parin sya mahagilap Sammy, Nagtatanong na nga yong mga Prof sa akin eh."
Napapikit na lang ako ng mariin.
Paano kong may nangyaring masama sa kanya ? Paano kong hindi sya okay ngayon ?"Hinanap ko na rin sya kong saan saan, hindi ko rin sya makita." si Jacob.
"Bigyan mo na muna sya ng pagkakataong makapag isip Sammy, I'm sure naman, hindi ka matitiis non." saad naman ni David.
Napatingin ako sa kanilang apat. Sa tatlong araw na hindi nagpakita sa akin si Queen sila yong nandito palagi sa tabi ko, palagi nilang pinapalakas ang loob ko sa tuwing down na down ako.
"Kaya please lang Bessy, kumain ka na dyan, nandito lang kami." si Abbe.
Kahit papaano ay medyo gumaan naman ang loob ko ngayon. Wala mang ganang kumain ay napilitan na rin akong sumabay sa kanila.
Nag kwentuhan lang naman sila habang kumakain, habang ako ay nakikinig lang sa kanila.
Paano nalang talaga kong hindi nya ako mapapatawad ? Kakayanin ko ba ? Dapat ba simula palang nong una sinabi ko na sa kanya ? Dapat ba na umamin ako na alam ko kong anong nangyari sa Dada nya ? Hindi na ba nya ako kayang----
"Putang ina!". napatingin ako kay Dann ng bigla na lang itong mag mura.
Masama itong nakatingin sa bandang harapan namin, sabay sabay naman kaming napatingin na rin dito.