31. Empty Space

748 43 53
                                    

So, listen. When I said that I'll take my time I really do mean it and I'm not apologizing for it. Though I can assure that things are getting better and I'm slowly picking up my pace again.

Anyway, this is 9,245 worth of words so siguro ay nakabawi din naman ako kahit papano. 'Di na ako magsasabi kung gaano na ito katagal sa drafts ko but I guess you already had a clue on how long it has been since the last update.

Maiba tayo, happy new year mga mahal ko! Wishing you all the best! Thank you for staying, it really means a lot! 🧡

Play the song (Empty Space - James Arthur) on the background. You can also find it on the playlist J&J 👀 at spotify.

Follow me on twitter - @writtenbyvam

Happy reading and stay safe!

Love, Vam 🧡

xx

Jason became really committed with the thought of teaching the kids of St. Anne on how to play soccer. Bukambibig niya iyon sa tuwing magkakasama kaming lahat. He even convinced Luke to help him out on lending and also buying a few equipments for his small training camp. 'Nung una ay sariling pera niya pa ang ginagamit niyang pam-pondo dito kung 'di lang siya pinagalitan ni Lilith by saying na 'wag ka naman masyadong magpaka-anghel diyan, baka mamulubi ka na by next year. Sixto tried convincing him na magpa-fund sa foundation nila since sila naman ang nag-organize ng Christmas party in the first place kaso ang bilis kung tumanggi ni Jason. Siya raw ang nakaisip kaya't siya ang maghahanap ng paraan.

Alam naman nating lahat na hindi 'yun totoo, 'di ba? Sadyang nahihiya lang siyang humingi ng pabor sa foundation na pinapalakad ng isa sa mga instructors namin that's why he asked us, his friends, to help him with it. Mabuti nalang at may mga connections na sa mga kilalang tao sina Ely at Lilith, in less than a week ay naka-fifty percent na kami sa kakailanganing budget. Clem, Luke and I also helped by asking a few friends and relatives for financial aid. Kahit sa mga ninong at ninang kong nasa ibang bansa ay nanghingi na ako, kesa naman sa pamaskong regalo 'yung hingiin ko sakanila 'di ba? Atleast dito ay alam nilang sa mapupunta sa mabuting mga kamay 'yung pera nila.

Our med school friends were also really supportive. Abby and Ai also donated cash. Maging si Kuya Joel ko na naghihintay parin ng result ng BAR ay nag-volunteer sa foundation nina Six para makasama sa Christmas party, although I doubt kung dahil iyon sa busilak niyang puso at hindi dahil sa gusto niya lang na samahan 'yung girlfriend niya. Even a few of our classmates and rotmates gave cash donations nang pinamalita ko ang good deed na pinagkakaabalahan ni Jason recently. 'Yung rotmates nga namin pareho from OB and Surg, nakapag-desisyong 'di nalang magc-christmas party. Simpleng handaan nalang ang magaganap at 'yung perang para sa mas magarang kainan ay ibibigay namin kay Jason para makatulong sa mga bata.

I volunteered on helping Jason budget the funds. Magaling man itong mag-plano ay hindi ito gaanong talented sa pagba-budget ng pera. Kung hahayaan ko lang itong humawak nito, he would blow it all off in one sitting. 'Dun palang sa tinitingnan niyang soccer shoes na ipapamigay sa mga bata ay ubos na 'yung perang nalikom nito. Aside from that, I also posted online about Jason's plans on helping the kids. Medyo nagtalo pa kami 'nun dahil ayaw niya sanang iparating pa sa social media ang pagtuturo nito since apat na Sundays niya lang namang tuturuan ang mga bata but I insisted. Like I said, we needed the funds if we want the whole thing to become successful.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon