5. King of Stupidity

696 38 39
                                    

"Nasan na 'yung mga lalaki?" tanong ko sakanila habang ino-organize ko 'yung pantry ni Ai.

Kakalipat niya lang ng condo because her last apartment was a nightmare. Actually this is her 3rd day of moving in at 'di na talaga nakayanan ni madam ang pag-aayos ng gamit mag-isa kaya nag-call a friend na siya. That's why Abby and I are here to help her out before the school year starts. As much as our running theme is strong independent women, ay kailangan namin ang tulong ng mga lalaki sa pagbubuhat ng mga gamit. 'Di naman kasi ako aware na ang dami palang gamit ni Ai. 'Di ako nagbibiro dito, kahit mga boxes ng mga inorder niya online ay 'di pa niya tinatapon. Ang sabi niya ang may sentimental value raw ito for her but I just think na tamad lang talaga siyang magtapon, kasi pagkatapos ng mahabang pangungumbinsi namin ni Abby, she gave in and let us throw all of it away.

"On the way na raw," sagot ni Ai na kasalukuyan nang nakahilata sa wala pang cover na mattress niya. Hawak-hawak nito ang phone niya habang nakasandal ang parehong paa sa pader. "Medyo matatagalan daw kasi bibili pa ng lunch."

Abby sighed. "Good, because I'm starving." bulong nito. 'Di ko nga lang alam kung kami ba ang kinakausap niya o ang sarili nito.

Halos kaming dalawa nalang ang nag-aayos at nag-lilinis dito dahil 'di na talaga namin mahila si Ai paalis ng higaan niya. I can't blame her though, she's been doing this whole thing for almost three days already. A girl deserved a break too. And besides, I'm actually having fun doing this. Sobrang therapeutic for me ang nag-oorganize at nagdede-clutter ng mga bagay-bagay. I always like to organize things to give off an impression that I've got my life together.

After half an hour ay nakarating na rin ang tatlo. PJ and Six both looked like they were just dragged from their beds, pareho pa silang nakapambahay lang habang si Jason naman ay mukhang kakagaling ng gym. Looking at the three of them, mukhang si Jas ang nag-initiate na tawagan rin ang dalawang lalaki to help us out here.

Nakaupo na kaming tatlo nina Abby at Ai sa sahig habang kumakain ng dala nilang pagkain habang ang tatlong lalaki ay kaagad nang nagsimulang tapusin 'yung progress na nagawa namin for the apartment. PJ and Six were assembling the dining table while Jason is organizing Ai's book shelf.

"Jas sa kabila 'yan," tawag ko sakanya nang mapansing mali ang pagkaka-arrange niya sa mga libro ni Ai. 

"Huh?"

I was chewing my food as I pointed the lower shelf. Hawak-hawak niya kasi 'yung isang novel tas tinatabi niya sa mga medical books. Naba-bother ako kapag magkahalo 'yung mga 'yun.

Nginitian ko siya nang agad niyang nakuha 'yung pinapahiwatig ko. Muli niyang tinanggal ang mga librong in-organize niya kanina at sinimulan na itong i-arrange according to what I want. 

Matapos naming kumain ni Abby ay muli na naman naming tinulungan ang mga lalaki sa pag-aayos, although kaunti nalang ang dapat naming gawin because the guys did a pretty good job in getting things done. Sabi na nga ba't hindi lang pagpapa-gwapo ang alam na gawin ng tatlong 'to, they're actually really reliable.

"Ba't ka nga pala lumipat dito, Ai?" tanong ni Six na abala sa pagma-mop ng sahig. 'Di ko mapigilang matawa habang pinapanood siya. Sa aming lahat kasi ay siya 'yung pinaka-pampered ng mga magulang kaya medyo weird tingnan na gumagawa ito ng gawaing-bahay.

Nilingon lang naman siya ni Ai na nagmumukmok parin sa kama niya. May beddings na ito ngayon, care of PJ.

"Sakit sa ulo ng mga kasama ko 'dun eh. 'Di uso privacy pati respeto sa nag-aaral. Mabuti nalang at nakaluwag-luwag na sina Mommy kaya nakalipat na ako agad." Walang ganang sagot ni Ai na agad na naman kaming tinalikuran at humarap sa pader.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon