Okay, I might be wrong. Marunong pa pala akong magsulat ng 10K plus words! Hahahaha. I don't wanna explain myself anymore so heto na! I'm finally done with June's birthday arc, sobrang dragging na nito. Sorry kung ramdam niyo, uusad na naman tayo, okay?
Follow me on twitter - @writtenbyvam
Follow the spotify playlist - j&j 👀Happy reading and stay safe!
Love, Vam 🧡
xx
Okay... I'm taking it all back.
So far, ito pala ang best birthday ko sa loob ng dalawang dekada at apat na taon na existence ko dito sa mundo. I mean, okay, mukhang 'di ko na talaga mapipigilan ang mga bunganga ng mga gustong chumismis at talagang patuloy lang sa pagkalat ng maling balita tungkol sa aming dalawa ni Jason, but it doesn't mean the my birthday's all ruined.
We're just getting started, right?
Wala pa ngang limang oras mula nang naging ganap na 24-year old woman ako eh, I'm not gonna let some nurses and some fake news ruins it for me.
Mukhang napansin din ni Jas ang pag-iiba ng timpla ko matapos 'yong kumento ng isang nurse na ang cute naming dalawa. On a normal day, I would say thank you naman dahil sino ba naman ang hindi magpapasalamat kapag sinabihan kang cute 'di ba? Pero alam mo naman kasing may kaakibat 'yun na chismis kaya medyo nabadtrip ako.
Why can't a guy and a girl be just friends? Like plain, platonic friends?
I mean, sige, Jason and I did some fucked up things but we're friends and we intend on keeping it that way. No need to ruin it for us, okay?
Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape sa pantry at naghahanda na for the end of my duty, last rounds nalang din naman to monitor the patients bago ako tuluyang mag-out. The next shift, hindi na naman masyadong heavy. Post-duty nalang kaya't halos paperworks nalang. Hindi naman ako straight 24 hours ngayon kaya thankfully ay makakauwi ako sa amin for my birthday... and hopefully, for the galaan with Clem and Luke since nalalapit na naman ang flight nila paalis ng Pilipinas.
"Okay ka lang?" tanong sa 'kin ni Jas.
Matapos 'yung kainan namin kaninang madaling araw ay agad naman itong bineep ng resident niya for an emergency surgery kaya ay dali-dali rin itong umalis matapos niyang maubos ang pagakain niya, leaving me with all of the curious eyes of those who are thirsty for him.
Medyo inaantok at pagod na pagod pa akong hinarap siya. He arched a brow as I stared at him intently. Hindi ko pa nach-check ang hitsura ko so I'm probably looking a bit rough, but like I said, si Jason lang naman 'yan.
"Ano?" natatawa niyang tanong sa 'kin.
Hindi parin ako umimik at nanatiling nakatitig sakanya. 'Di ko alam kung nako-conscious na ba siya dito because he looked so uncomfortable.
"Ano bang problema mo? Ba't ganyan ka makatingin?"
I pursed my lips even more. Sumimsim muna ako sa kape ko nang hindi parin inaalis ang tingin sakanya.
"Junipher Mae Jimenez, I swear to---"
"Anong Junipher Mae ka diyan?! Tanginang 'to..."
Tawang-tawa na naman si Jason habang ako naman 'tong bwiset na bwiset. Junipher Mae became a running joke between the two of us matapos naming mapag-usapan na sobrang bitin ng mga pangalan naming dalawa. Sinabi ko na dapat Jason John or Jason Carl ang pangalan niya. Hindi naman panget pakinggan kaya mukhang tanggap niya 'yun, kaya naman sobra akong na-offend 'nung sinabi niya na dapat raw ay Junipher Mae ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off