I'm starting to hate everything about Greg. 
                              Okay, alam ko. Ka-OAhan na naman ng isang Junipher Jimenez but I'm not kidding. The more that I hang out with the guy, the more that I realize na ang lala nga ng annoying tendencies niya. Sa akin na mismo nanggagaling 'to ha— ang isa sa pinaka-annoying na tao sa buong mundo. 
                              I really don't know what has gotten into me when I thought that maybe he's a good distraction. I mean, yes he's cute... Hot even. He's also nice when he's trying to not be so annoying but god, he knows how to push my buttons. Pakiramdam ko ay every week ay may ginagawa siyang ikakainis ko... 
                              Unang-una, 'nung sinundo niya ako after my hospital shift one time, dinala niya nalang ako sa isang restaurant kung saan naghihintay si Kaia, telling me that we should bond more since we're gonna be family soon. Like what the actual fuck? And then the next one, he made me answer a call on his phone telling me it's only a client and he's really not interested in doing the job for her. Without having any idea, siyempre ay sinagot ko rin 'yon (bilang ako pa naman 'yung I got you type of friend). At kung 'di lang din naman gago si Greg ay 'yung nanay niya pala 'yung tumatawag!
                              Malay ko ba kung anong klaseng pag-iisip ang meron siya at Reverie lang ang naka-phonebook na contact name ng nanay nito sa telepono niya. Edi natarayan pa ako tuloy! Halos manginig ako 'nung nasabihan ako ng 'Who's this? I wanna talk to my son.' 
                              Mukhang alam ko na kung san nagmana si Kaia. 
                              And of course, to top all of Greg's adventures of ruining June's day, his personal favorite... Attacking me with the Jason Andres card. 
                              I mean, oo na! Hindi ko man aminin ay mukhang sobrang huli na para sa lahat kung ide-deny ko pa 'yung conclusion ni Greg about Jason and I being fuck buddies (although ayoko paring i-acknowledge ang term na 'yun. Parehong ayaw namin ni Jas) and so I just let him be. But you know what's more annoying? 'Yung pinupush niya talaga na may nararamdaman kami para sa isa't-isa... o 'yung may isang nahuhulog na sa aming dalawa. 
                              Hindi naman ako na-inform na bangin pala 'tong pinasok ko at required ang mahulog, 'di ba?
                              Kaya iyon lang halos ang laman ng sistema ko habang pilit kong ginagapang ang OB rot ko... Okay, medyo nagiging OA na naman ako. Siyempre ang pag-aaral ko parin ang nangungunang cause of stress ko pero pilit ring humahabol si Greg sa kunsumisyon ko. Idagdag pa si Luciano na sa tuwing naaabutan niya akong online ay inaaya akong makipaglaro, for all I know is that he's only baiting me to have the talk already. 
                              Speaking of, tingin ko ay wala parin itong ibang pinagsasabihang kahit sino kasi kung meron man ay malamang matagal na akong pinagtutulungan nina Lils at Clem. Actually, let's be real... hindi pa man ako nabubugbog ni Clem, malamang ay nakahandusay na ang walang buhay kong katawan dahil kay Lilith. Sakanya talaga ako pinakatakot sa lahat.
                              I mean it's Lilith. If you're not afraid of her then you must be some kind of higher being. 
                              So yeah, that's kind of how my life is going right now. Still struggling to make it through med school, taking all of Greg's bullshit, being paranoid with Luke finding out about my darkest secret, being guilty because my other friends are still clueless about it but also afraid that I might get caught, and lastly, still avoiding Jason as much as I can because everything's just so awkward at the moment. 
                              Fucking awkward. 
                              Hindi naman kasi dapat! But the people around us are making it awkward for the both of us. Or more like... more awkward on my end... Kaya 'di na talaga ako magugulat kung isang araw ay 'di na kami magpapansinan ni Jas. 
                              'Wag naman sana, pero pag ganun nga, 'di na ako magugulat.
                              ***
                              "Patapos na ako sa OB. May final rotation exam nalang kami and then Peds na ako sa susunod..."
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Busy being Yours
RomanceJason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off
