43. Champion of Attitudes, Boundaries, and Labels

1.2K 52 78
                                    

TW: Explicit content ahead. Read at your own risk.

Hingang malalim.

xx

It's been two weeks since Jason's birthday which also means ay dalawang linggo na rin simula nang labas-pasok nalang ito sa unit ko. As someone na nakasanayan nang mamuhay mag-isa at natutong mag-enjoy na walang kasama, I admit that having him around is a bit of a change in my daily routine... Pagkagising ko ay siya agad ang unang bubungad sa 'kin— nakapwesto sa tabi ko, nakaupo at nakahilig sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro o 'di kaya ay nagse-cellphone. His personal belongings are also all over my place now! Sa console sa may foyer ay andun ang susi ng kotse niya katabi ng susi ng bahay ko, sa side table na nasa banda niya ng kama ay andun madalas na nakikita ang cellphone tsaka relo nito, even in my bathroom (inside my room) ay andun na rin ang toiletries nito. And the funny thing about it is that I don't mind one bit of it. I don't mind it at all.

Wala akong pake kahit na unti-unti na niyang pinupuno ang ref at pantry ko para may makain kami at hindi mamatay sa gutom (his words, not mine), wala akong pake kahit every three days na akong naglalaba dahil lagi naming napupuno ang laundry basket ko, wala akong pake kahit na madalas ay siya na ang gumagamit sa TV sa loob ng kwarto ko dahil gusto ko rin naman ang taste of TV shows nito. Wala akong pake because unconsciously ay gusto ko rin ang mga pagbabagong ito. I know that I do.

It might not be some huge changes but it did improve me as a person. Jason helped me get back to a routine, a healthier one... And with that, I'm so thankful for him kahit na madalas ay napaka-annoying nito. I have this theory na lahat ng annoying tendencies nito na 'di niya mapakita sa 'kin simula nang magsimula akong magtrabaho sa UVMMC ay inipon niyang lahat para ibigay sa 'kin nang isang bagsakan. Dalawang linggo palang pero 'di ko na mapigilang ma-miss 'yung kalmadong Jason Andres although I'm not gonna deny that I like this one better, I like this one best, because this is Jason. The one that I know.

Masyado akong nasanay na five times a week ay sa unit ko siya umuuwi (excluding those days na kailangan siya/kami sa ospital for 24 hours) na nakalimutan kong andito nga pala sa Pilipinas ang mga magulang nito. If he didn't mention it ay makakalimutan kong siya nga pala ang inuwi ng mga ito... So why the hell is he always with me when he's supposed to be spending time with them?

"Dad is really a shitty cook pero 'di ko din naman siya masisisi. Hindi siya obligadong magluto dahil parati siyang nasa trabaho and he doesn't really have to cook for me kasi andiyan naman si Yaya Precy para gawin 'yun 'nung bata pa ako. Poor guy, really.... pakiusapan mong gawan ka niya ng simpleng building design, kaya niyang gawin in two hours time... pero pakiusapan mong mag-prito ng itlog? Maghanda ka nalang na kumain ng sunog," he chuckled while still slicing garlics. "Although he always take pride in his aglio e olio, says that it's the only decent meal that he can cook. Well, paborito kasi 'yon ni Mami... You know her, with her job and everything as a flight attendant, she travels around the world a lot but her favorite will always be Europe so she loves European foods, especially pasta kaya ayun si Dad, nag-aral na lutuin 'yun. He had a hard time learning it that after one recipe, he said fuck it..." Tawa pa nito.

Hindi ko rin mapigilan matawa habang pinakikinggan siya magkwento at pinapanood siyang magluto. Kanina ko pa ini-insist na tulungan siyang magluto ng aglio e olio pero ayaw niya akong payagan, manood nalang daw muna ako. If I know ay ayaw niya lang talagang maghugas mamaya kaya't mamaya ay ipapasa niya sa 'kin ang trabahong 'yon after naming kumain. Hindi rin naman ako magrereklamo kasi isa si Jason sa iilang mga kakilala ko na organized habang nagluluto, hindi ito makalat kaya't siguradong 'di rin ako mas-stress.

He's currently making the sauce now on the pan as he kept on talking about his parents. Nakakalahati na ako sa iniinom kong wine nang sumagi sa isipan ko na umuwi nga pala dito sa Pilipinas ang mga magulang nito.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon